Feeling mo ba, minamalas ka? Tips para magkapera bago mag-pasko
- Sr. Socrates Magnus II
- Nov 6, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang mga nakatutuwang kaalaman tungkol sa mga paraan para suwertehin ngayong papalapit na ang kapaskuhan.
Halos lahat ay parang ninenerbiyos habang umiiksi ang mga araw bago mag-Pasko dahil hindi maikakaila na ang kailangan ng lahat ay maraming pera dahil ang walang pera kapag Pasko ay ang pinakamalungkot na tao.
Narito ang ilang paraan na madali lang gawin kaya hindi rin mahirap subukan:
Sa pagtulog sa gabi, lagyan ng pera ang medyas. Kung walang medyas, bumili at mas maganda ang mahabang medyas.
Ang pitaka ay hindi dapat mawalan ng pangati. Ang pangati ay ang pera na hindi gagastusin at nasa wallet lang.
Maganda rin kung may pera sa personal cabinet at ibabaw ng altar.
Bago umalis o kahit nasa bahay lang o nasa opisina, kailangang pakalansingin ang mga barya dahil ang kalansing o tunog nito ay mahimalang humihila ng mga suwerte sa paligid.
Bago kumain, kailangang patunugin ang pinggan o plato na porcelain. Kung wala kang porcelain na pinggan, bumili ka, gayundin, tinidor at kutsara ang gagamiting pampatunog sa pinggan dahil ang tunog ng porselana ay nagtatawag ng mga suwerte.
Narito naman ang para sa taong nag-aakala na minamalas siya o mailap sa kanya ang suwerte:
Kung kanang kamay ang ginagamit, kaliwang kamay muna ang gamitin. Ibig sabihin, pipigilan niya ang kanyang kanang kamay kung may kukunin siya at kaliwang kamay ang dapat gamitin.
Kung iinom, kaliwang kamay ang gagamitin sa pagkuha ng baso.
Sa lahat ng kukunin, kaliwang kamay ang ipangkukuha.
Sa paglakad, kaliwang paa ang gagamitin sa unang hakbang.
Sa pag-upo, dapat kaliwang kamay ang unang isasayad sa upuan o lamesa.
Nakaaasiwa ang mga ito sa una, pero kaya itong gawin at kailangang masanay para mas madaling magawa.
Good luck and God bless!




Comments