top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Marami na raw nabibiktima… Raffy Tulfo, takbuhan ng mga naloko sa show ni Willie

Erlinda Rapadas
Nov 5, 2019
1 min read

Paulit-ulit na lang ang pag­papaalala ni Willie Re­vil­lame sa mga gustong ma­nood ng programa niyang Wowowin na huwag magpa­paloko sa mga fixers na nanghihingi ng pera para lang makasali sa mga games ng nasabing programa.

Nakarating na kay Revil­lame ang mga ginagawang kalokohan ng mga nambi­biktima sa mga taong nais su­mali sa mga palaro sa Wowowin. Pati ang mga taong pumipila upang makapanood lang sa studio ay pinag­kakakitaan din kaya ang ibang nabibiktima, lumalapit at nagrereklamo pa sa radio program ni Raffy Tulfo.

Hindi nagkulang sa pagpapaalala si Willie Re­villame na walang bayad ang panonood sa Wowowin. Kailangang tumawag kay Martin Tamba at magpa-schedule kung kailan pupunta at ang mga taong napipiling sumali sa games ay sinasala nang husto ng staff ng show. Kailangan din na physically fit at bawal na ang seniors at mga bata below ten years old.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page