top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dead na dead daw sa Blackpink member… Alden, ikinalat sa socmed ang holding hands nila ni Lisa

  • Ronalyn Seminiano
  • Nov 5, 2019
  • 1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Lantaran na ang pagiging fanboy ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa K-pop idol ng Blackpink na si Lisa Mano­ban.

Nag-post siya ng screen­shot ng multi-player online game na Ragnarok M kung saan naka-holding hands ng character ni Alden na si Starlord habang tumatakbo ang character na version ni Lisa at nilagyan niya ito ng caption na: “Kahit man lang sa laro, maka-holding hands. Good morning! (smile with blush emoji).”

Masayang-masaya na si Alden kahit na sa mobile game lang niya naka-holding hands si Lisa.

As of this writing ay umabot na sa 1.9K retweets at 11K likes ang naturang screenshot post ni Alden.

We wonder kung ano ang magiging reaksiyon ni Lisa kapag nakarating sa kanya ang pagka-fanboy ni Alden!

Sana ay mabigyan sila ng chance na magkita sa Pasko since nabanggit din naman ni Alden na sa Korea niya balak mag-Pasko.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page