25-anyos na hirap mag-ipon dahil sa magulang napupunta ang kalahati ng suweldo
- Roma Amor
- Nov 5, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Clara, 25 at may trabaho. Hanggang ngayon ay nakatira pa rin ako sa mga magulang ko. Wala naman ‘yung problema sa kanila basta nagbibigay ako ng parte sa mga bayarin. Dahil sapat lang ang kinikita ko, nahihirapan akong mag-ipon dahil halos kalahati ng suweldo ko ay dapat mapunta sa kanila. Minsan, naiinggit din ako sa mga kaibigan kong nakakapag-travel na dahil wala silang ibang iniintindi at solo nila ang suweldo nila kaya pakiramdam ko tuloy, nagtatrabaho ako dahil sa utang na loob sa pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko. Ano ang dapat kong gawin? —Clara
Clara, Alam mo, iha, responsibilidad ng mga magulang na palakihin at pag-aralin ang kanilang mga anak kaya sa totoo lang, ngayong nagtatrabaho ka na, ikaw na dapat ang namamahala sa pera mo. Kung nasa poder ka pa rin ng mga magulang mo, walang masama sa pagbibigay ng parte ng suweldo mo sa iyong mga magulang, pero dapat mo ring ipaliwanag sa kanila na dapat ay nagsisimula ka nang mag-ipon para sa future mo. Gayundin, kung nakikita mong nagta-travel na ang mga kaibigan mo, huwag kang mainggit dahil siguradong magagawa mo rin ‘yun kapag may sapat na ipon ka na. Tandaan mo, hindi ‘yun ang basehan para masabing successful ang tao dahil may kani-kanya kayong plano sa buhay. Kaya mo ‘yan, okay? Good luck!





Comments