Oh, dear, dapat walang kiyeme… Komedyana, nagklik lang ang movie, feeling super-galing na kaya namim

BLIND ITEM:
Simula nang sumikat nang husto at kumita ang pelikula ng isang veteran comedienne, naging choosy na ito sa mga projects na inaalok sa kanya. Feeling kasi niya, eh, ang galing-galing na niyang aktres kaya ang drama niya, hindi na niya kailangan na ma-overexposed at tumanggap ng mga TV shows at pelikula.
Kuntento na siya sa isang show lamang na napapanood once a week. Hindi na siya nagkainteres na lumabas pa sa pelikula o mag-guest sa mga TV shows.
Samantala, iyong halos kaedad niyang sikat na sikat na komedyana ay laging visible sa telebisyon at maging sa pelikula. Kahit maliit na role o TV guesting lang ay tinatanggap ng karibal niyang komedyana kaya name-maintain nito ang kanyang popularidad at patuloy na binibigyan ng mga shows sa kanyang network.
Pero si “choosy one” na komedyana, eh, mukhang hindi aware na kumukurap at lumalamig na ang kanyang career. Hindi na siya halos kinukuhang endorser. Wala na siyang karisma sa publiko. Bale ba’y kapos sa PR ang makasariling komedyana. Lilipasan siya ng kanyang kasikatan na hindi siya hahanapin at panghihinayangan ng lahat.
Dapat nang mauntog ang komedyana bago mahuli ang lahat. Dapat ay i-reinvent niya ang kanyang sarili upang mapansin siyang muli ng publiko.





Comments