top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Knows mo 'yan, Rayver? Pagdalaw ni Ruru kay Janine sa Taping, ibinuking ni Betong

  • Nitz Miralles
  • Nov 4, 2019
  • 2 min read

Nitz Miralles / Bida

Na-hot seat si Ruru Madrid nang mag-guest sa Studio 7 last Saturday para mag-promote ng pelikula nila ni Jasmine Curtis-Smith na Cara X Jagger na showing sa November 6. Pi­nagpa­wisan si Ruru, pero hindi mapigil si Paolo Contis na host ng segment.

Paano kasi, isa-isang ipinakita kay Ruru ang mga girls na na-link sa kan­­ya, niligawan o na­ging girlfriend niya. Obvious na hindi alam ni Ruru ang mga ilalabas na litrato dahil pati siya, nagulat. At nagulat din ang mga viewers sa kani­lang mga nalaman.

Ibinuking ni Paolo ang pagka-link ni Ruru kay Maureen Wroble­witz at ang pambubuking ni Betong Sumaya na dinadalaw ni Ruru noon sa taping si Janine Gutierrez. Ipina­kita rin ang picture ni Valeen Montenegro at ang former love team at ex-GF niyang si Gabbi Garcia.

Ang last picture na ipinakita ay picture ni Jasmine na tama ang description ni Ruru na kapareha niya sa Cara X Jagger at nai-plug na sa November 6 na ang showing ng APT Entertainment movie sa direksiyon ni Ice Idanan.

Napansin lang ng mga viewers na puro “kaibigan ko lang” ang sagot ni Ruru sa mga tanong ni Paolo kung ano ang konek­siyon niya sa mga girls. Saka, kulang ang photos dahil wala ang picture ng isang beauty queen na nag-aartista na ngayon na na-link din kay Ruru.

Hinanap din ang picture ni Bianca Umali, bakit daw hindi kasama sa mga ipinakita kay Ruru? Gusto pa namang marinig ng mga viewers kung ano ang isasagot ni Ruru kung ano niya si Bianca.

Anyway, rated PG ng MTRCB ang Cara X Jagger. Parental Guidance ang movie, pero marami pa rin ang makakapanood. Wala pang inilalabas ang CEB kung ano ang grade ng nabanggit na pelikula.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page