top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bukod sa pampaganda ng kutis... Pag-inom ng 10 baso ng tubig o higit pa kada araw, nakakapagpasaya

  • Jersy Sanchez
  • Nov 4, 2019
  • 2 min read

Marami sa atin ang naniniwala na ang pag-inom ng walo hanggang labindalawang baso ng tubig kada araw ay nakatutulong para makaiwas sa mga sakit at magkaroon ng healthy skin. Pero bukod sa mga ito, alam n’yo ba na ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig ay nakapagpapasaya? Weh, paano nangyari ‘yun?

Sa isang pag-aaral na isinagawa sa 2,000 Americans na hinati depende sa dami ng tubig na kanilang kinokonsumo kada araw, napag-alaman na sila ay tatlong beses na mas masaya kapag umiinom ng sapat na dami ng tubig.

Napag-alaman ng mga researchers na 67% ng mga kalahok na uminom ng sobra sa inirerekomendang dami ng tubig ay in-evaluate ang kanilang sarili na “very happy” habang 21% ng mga kalahok na hindi nakaiinom ng sapat na tubig ang nagkaroon ng parehong evaluation.

Ayon sa mga researchers, ang mga kalahok na “10+ glasses a day drinkers” ay naging mas masaya habang 18% lang ng mga ito ang nagsabi na sila ay “somewhat happy”.

Gayunman, naging consistent umano ang resultang “very happy” sa mga kalahok na kumokonsumo ng maraming tubig kada araw.

Halimbawa, ang mga kalahok na umiinom ng dalawang baso ng tubig kada araw, 34% lang ng mga ito ang nagsabi na sila ay “very happy” habang 45% ng mga umiinom ng apat na baso kada araw ang naging “very happy”.

At para sa mga kalahok na halos hindi umiinom ng tubig ay sumagot na “not very happy”.

Gayunman, para sa mga kalahok na umiinom ng higit sampung baso ng tubig kada araw, 82% ng mga ito ang nag-rate sa kanilang sarili na “very energetic” at 67% naman ang nagsabi na sila ay “very successful”.

Ayon sa mga eksperto, sa demand ng araw-araw na pamumuhay, ang pagpapanatili ng healthy lifestyle ay challenge rin, partikular sa pagiging hydrated.

Dagdag pa rito, sa 73% ng mga kalahok na mas masaya kapag nakainom ng sapat na dami ng tubig, 54% ng mga ito ang hindi productive kapag hindi sila hydrated.

Kaya mga besh, ‘pag malungkot kayo, stay hy- drated lang, ha? Healthy na ang skin ninyo, happy pa kayo.

Siguraduhin na nakaiinom kayo ng tamang dami ng tubig kada araw.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page