top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Aces, naka-dalawang sunod na panalo vs. Batang Pier

ATD
Nov 4, 2019
2 min read

Hinigop ng Alaska Aces ang pangalawang sunod na panalo matapos nilang pabagsakin ang NorthPorth Batang Pier, 106-99 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Kumayod si local Vic Manuel ng 23 points at 10 rebounds upang tulungan ang Aces na ilista ang 3-6 karta. Lumaban nang sabayan ang Aces sa unang dalawang periods kaya naman nasa unahan sila, 53-48 sa halftime.

Nanatili ang tikas ng Aces sa third, umabot sa pitong puntos ang kanilang bentahe, 83-76 papasok ng fourth canto.

Patuloy na naging matatag ang Alaska sa payofff period kaya naman kahit pilit na humabol ang Batang Pier ay nakuha pa rin nila ang panalo.

Samantala, kasalo sa top spot ang NLEX Road Warriors at malaki ang tsansa nilang sumampa sa quarterfinals pero para kay Kiefer Ravena hindi lang duon ang nakatutok ang kanilang koponan.

Kahit mahaba ang kanilang bakasyon ay hindi magre-relax ang Road Warriors. “We still have to be on our toes,” hayag ni Ravena, “It’s really a break, but not a vacation that we should take for granted.”

May kartang 7-1 ang NLEX kasalo nila sa unahan ang TNT KaTropa.

Nasikwat ng Road Warriors ang four-game winning streak nang sagasaan nila ang Rain or Shine Elasto Painters, 111-91 noong Miyerkules sa Cuneta Astrodome.

Tumikada noon si Ravena ng 12 points at anim na assists. “It’s a time for us to spend time with our families, our loved ones, our lost loved ones and at the same time for us to recover our bodies and stay on our toes,” hayag ni Ravena.

Susunod na laban ng NLEX sa November 10 kontra defending champion Magnolia Hotshots sa Ynares Center sa Antipolo City.

Maglalaban sa Miyerkules ang San Miguel Beer at Blackwater Elite sa alas-4:30 ng hapon habang magkatapat ang Phoenix FuelMasters at Magnolia. Mga laro sa Miyerkules: (Cuneta Astrodome) 4:30 p.m. - San Miguel Beer vs Blackwater 7:00 p.m. - Phoenix vs Magnolia

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page