30th SEA games preview: Malaysia, 795 ang atleta

Kahit aminadong hindi makakukuha ng maraming medalya sa darating na Southeast Asian Games sa Nob. 30-Dis 11 ngayong taon, nakatakda pa ring magpadala ang pambansang koponan ng Malaysia ng malaking contingent sa Pilipinas.
Ito ay matapos ipahayag ni National Sports Council (NSC) director-general Datuk Ahmad Shapawi Ismail na karamihan sa mga tumulong sa kanila para mapanalunan ang 145 gintong medalya at makuha ang overall title ay hindi mapapabilang sa 30th edisyon.
Ayon sa New Straight Times ng Malaysian newspaper, magpapadala ng 795 athletes at 398 officials ang Olympic Council of Malaysia (OCM) na lalahukan ang 52 sa 56 sports na nakatakdang laruin sa biennial meet. “This year’s contingent is definitely the biggest we’re sending outside the country; therefore expectations are high from the public for us to deliver,” wika ni Shapawi, na tinatayang ikalawa ang Philippine Games sa may pinakamalaking contingent na sumunod sa 2007 Korat, Thailand meet na may 1,114 participants. “But I must admit that we will not be able to achieve the 145 gold medals we won at the 2017 edition,” dagdag ni Shapawi.
Aminado si Shapawi na mahihirapan silang makuha ang overall title dahil maraming bagong sports ang inilagay ng Pilipinas na wala sa nakalipas na meet kung saan nababagay sa estratehiya at target ng bansa. “The Sea Games this year doesn’t give us an advantage. Of course, I do not want the athletes to use that as an excuse but instead justify why they deserve to be part of the programme,” wika ni Shapawi.
Nauna ng inanunsyo ng dating secretary ng OCM na si Datuk Sieh Kok Chi sa kanyang Facebook post na inaasahang makukuha ng Pilipinas ang overall title ngayong taon dahil sa bentahe nito bilang host. “The Philippines will naturally be the champion, with Thailand, Vietnam, Indonesia, Malaysia and Singapore fighting for 2nd to 6th positions,” ika Chi. “Being the host, Malaysia had certain advantages, which were maximised by the Organizing Committee,” dagdag nito.
Marami umano ang mga nadagdag at binawasan sa biennial meet ngayong taon kung kaya’t nabawasan umano ng 50 gold medals ang mga ito sa pangkabuuang 145 gold, 92 silvers at 86 bronze sa pangkabuuang 323 medals, habang ang Pilipinas ay mayroon lang 24 golds, 33 silvers at 64 bronze medals sa pang-6th place finish. Kabilang sa mga bagong sports na isasalang ngayong taon ay ang Kurash, E-Sports, Surfing, Skateboarding at Jujitsu habang ibinalik naman ang Floorball.





Comments