Paeng, Onyok at Muros, una sa SEAG send-off

Mangunguna ang Filipino sports legends sa get-together at send off na tinawag na “Team Philippines Send-off ng Bayan” mga atletang Pinoy na lalarga sa 30th Southeast Asian (SEA) Games sa Nobyembre 13 sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
Ibabahagi nina boxing legend Mansueto “Onyok” Velasco Jr, Leopoldo Serantes, bowling Hall-of-Famers Rafael “Paeng” Nepomuceno, Olivia “Bong” Coo, track legend Lydia de Vega-Mercado at Elma Muros ang kanilang mga naging sikreto bilang mga magigiting at sikat na mga atleta sa kabuuang 1,115 na atletang Pinoy.
Magbibigay din ng kanyang inspirational words si Philippine Sports Commissioner Ramond Fernandez bilang dating miyembro ng national team.
Dadalo rin sa naturang okasyon si Pangulong Rodrigo Duterte na magsasalita at magbibigay ng inspirasyon sa mga atleta.
Isasabay din sa paglunsad sa okasyon ang awitin na gawa ng pamosong singer na si Bamboo para sa Team Philippines.
Noong 2005 huling nag-host ang bansa ng SEA Games kung saan may kabuuang 112 gold medals, 85 silver at 93 bronze medals ang nakopo ng bansa.
Mas pinalakas ng Pilipinas ang combat sports tulad ng Taekwondo, Boxing, Karatedo,Judo, Jiu-Jitsu, Kickboxing, Arnis, Wushu, Wrestling at Muay Thai.





Comments