Mayweather, natawa lang sa paghamon ni Pacman

Photo: @MannyPacquiao (right)
Nagawa lang tawanan ni US boxing champion Floyd Mayweather Jr ang ginawang paghamon ni Manny Pacquiao at Chinese billionaire Jack Ma.
Kasabay ng kanyang pagtawa ang pagsabing kayang-kayang talunin ng isang retired boxing champion ang Pinoy boxing legend. At bakit daw niya papatulan ang video message ni Pacman gayung hindi niya kilala si Jack Ma na kasama ng Senador sa paghahamon.
Naglabas kasi ng video message si Pacman habang sumusuntok-suntok naman ang Chinese billionaire at sabay sabi niya nakung gusto ni Mayweather ng 12 round boxing ay harapin na ang fighting senator pero kung isang exhibition fight ang gusto ay si Jack Ma na lamang ang harapin nito.
Tila estilong pambubuska lamang para kay undefeated-retired Mayweather Jr., ang paglabas ng video na paghahamon ng rematch ni Pacman. Sa lumabas na video ni Pacquiao kasama ang kaibigang si Ma, nagpapakitang-gilas ang Chinese business magnate ng kanyang abilidad sa pagsuntok sa boxing pads habang hawak ito ni Pacquiao.
Dinala na ni Pacquiao ang kanyang direktang paghamon kay Mayweather sa social media matapos ang kanilang naunang laban noong May 2015 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada kung saan nagwagi ang American boxer ng unanimous decision.
“Floyd Mayweather, if you want a real fight, fight me,” hamon ni Pacquiao habang tinutukoy ang sarili ng pads sa dibdib. “‘If you want an exhibition, my guy, my friend Jack Ma will take care of you - the real Manny team,” sambit nito.





Comments