Kuya Escort, ibang-iba raw kasi… Nagustuhan ni Vice kay Ion, nabulgar!
- Vinia Vivar
- Nov 3, 2019
- 2 min read

Puring-puri ng dating manager ni Vice Ganda na si Ogie Diaz si Ion Perez na boyfriend ngayon ng Unkabogable Star.
“Si Ion? Mabait ‘yung bata, nakilala ko. Sobrang bait at sobra siyang mahal,” sambit ni Ogie.
“Saka si Ion, ‘pag alam niyang masaya si Vice, mas masaya siya. Saka, nakakatuwa si Ion kasi nagbantay talaga kay Vice ‘yan sa ospital,” dagdag pa ng producer ng comedy film na Two Love You.
Matatandaang kamakailan ay umamin na sina Ion at Vice Ganda sa kanilang relasyon kaya natanong din si Ogie kung ikinonsulta ba ito sa kanya ng dating alaga.
“Ay, hindi. Malaki na si Vice, alam na niya ‘yan. At saka, nataymingan naman niya, oh. Sino’ng kumuwestiyon? May nandiri ba? Wala naman. Eh, ganu’n talaga sa panahon ngayon, ‘no!” sey pa niya.
Marahil ay isa pa raw sa mga dahilan kung bakit nahulog ang loob ni Vice kay Ion ay dahil hindi siya tinitingnan nito as Vice Ganda.
“Ang gusto ni Vice kasi, ‘yung lalaki, hindi siya tinitingnan as Vice Ganda. Ayaw niya. Nao-off siya. Gusto niya, si Jose Marie Viceral siya. ‘Yun ang tingin sa kanya.
“Kaya nga naloloka siya ‘pag may mga lalaking ‘Wala akong pakialam sa ‘yo kahit Vice Ganda ka, ‘no!’ Mas gusto niya ang ganu’n. Ayaw niya nu’ng huma-hallelujah sa kanya.”
Nabanggit nga ni Ion na para sa kanya, si Vice ay si Tutoy, ang nickname ng komedyante na tawag sa kanya ng pamilya’t malalapit sa kanya.
Naitanong din kay Ogie ‘yung issue na ginagamit lang daw ni Ion si Vice Ganda at pera lang ang habol nito sa sikat na komedyante.
“Hindeeee!” tanggi ni Ogie. “Diyos ko, kung makaraket ngayon si Ion, ha? Ang taas ng rate niya. Oo, mataas ang rate sa provincial show ni Ion! Kaya natutuwa si Vice kasi ang taas ng rate ni Ion.
“So, kailangan ba niya si Vice na gamitin? Hindi. I doubt. Pero generally speaking, ang mga bakla, ‘pag nagbigay, kasi, gusto nila ‘yun, happiness nila ‘yun, walang makakapigil sa kanila,” sey pa ng manager ni Liza.





Comments