Gustong mag-abroad: Green, black, gray, white o silver ang dapat isuot
Dear Maestro, Matagal na akong nag-a-apply abroad. Ang problema ay hindi ako matuluy-tuloy dahil sa maraming kadahilanan. Gayunman, naniniwala ako na makapag-a-abroad din ako pagdating ng panahon dahil sabi n’yo, ang mga taong may birth date na 5 ay nakapag-a-abroad. June 14, 1989 ang birthday ko. Kailan ako makapag-a-abroad at ano ang dapat kong gawin para suwertehin ako sa pangingibang-bansa?
Umaasa, Ms. Gemini ng Santo Domingo, Cainta, Rizal
Dear Ms. Gemini, Tingnan mo muna ang guhit ng iyong mga palad at kapag may Travel Line na madalas nating talakayin sa Palmistry, kung meron ka nito, 100% na siguradong makapag-a-abroad ka.
Ang Travel Line ay ang nagsangang guhit mula sa life line at ito ang tila letrang Y na baligtad sa ilalim na bahagi ng iyong palad.
Pero minsan, kahit walang Travel Line, basta ikaw ay nagtataglay ng square type hand o hugis ng palad na hindi mabuto, makapal at malaman, tiyak na mapapasunod mo rin ang kapalaran sa gusto mong mangyari kung saan kahit wala kang Travel Line, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.
Samantala, upang suwertehin ka sa iyong pag-a-apply, ganito ang gawin mo. Una, palagi kang magsuot ng paborable mong kulay tuwing ikaw ay may lalakaring papeles. Ang paborable mong kulay ay berde, itim, gray, silver at white.
Maaari mong pagsali-salitin ang paggamit ng nasabing mga kulay sa favorable date mo tulad ng mga petsang 7, 16, 25, 8, 17, 26, 5, 14, 23, 2, 11, 20, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mapalad mong mga araw na Lunes, Miyerkules, Sabado at Linggo.
Pangalawa, sipagan mo ang pag-a-apply sa panahong ikaw ay mapalad. Ito ay mula sa ika-19 ng Setyembre hanggang sa ika-30 ng Nobyembre, mula sa ika-19 ng Enero hanggang sa ika-28 ng Pebrero at mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-31 ng Hulyo.
Pangatlo, kung hihingi ka ng tulong sa iyong mga kaibigan at kakilala, piliin mo silang may zodiac signs na Pisces, Scorpio, Capricorn, Virgo, Taurus at kapwa mo Cancer, sila ang may malaking maitutulong sa iyo, higit lalo kung sila ay may mga birth date na 8, 17, 26, 1, 10, 19, 28, 9, 18, 27, 5, 14, 23, 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25.
Pang-apat, maghanap ka ng agency na kulay berde, gray, puti at dilaw ang logo. Ang nasabing agency ang makatutulong sa iyo na makapunta sa ibayong-dagat. Ayon sa iyong Travel Calendar, ang pag-aanalisang nasabi na makapag-a-abroad ka ay nakatakdang maganap sa 2021, sa buwan ng Enero hanggang Hulyo at sa edad mong 32 pataas.




Comments