top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

'Di pa raw tatakbong senador… Pramis ni Isko: 3 terms bilang Mayor, tatapusin ko!

  • Erlinda Rapadas
  • Nov 3, 2019
  • 1 min read

Hindi lang ang mga Manileños ang napabilib sa ginawang malaking pagbabago ni Mayor Isko Moreno matapos siyang mahalal sa puwesto. Ginulat niya maging ang iba pang mayor ng iba’t ibang key cities. Maging ang ilang congressman at senador ay puring-puri ang tapang at tatag ni Yorme Isko.

Ginawa siyang huwaran ng marami lalo na sa kanyang isinagawang clearing operations sa Divisoria, Quiapo, Lawton Underpass, atbp. lugar sa Maynila.

Nitong nakaraang Undas, sa kabila ng pagtutol ng maraming vendors na nagtitinda sa loob ng Manila North Cemetery, kanyang pinagbawalan ang mga ito. Naging kompor­table ang lahat ng dumalaw sa North Cemetery dahil luminis at lumawak na ito. Kaya naman ngayon pa lang, marami na ang nagsasa­bing iboboto si Mayor Isko kung tatakbo itong senador sa susunod na eleksiyon. Pero pangako ni Yorme Isko, tatapusin niya ang kanyang tatlong termino bilang mayor ng Maynila.

Marami rin ang nagpapadala ng regalo kay Yorme Isko noong kanyang kaarawan bilang pasasalamat. May pair of shoes na nakapinta ang kanyang mukha, meron ding sand art pain­ting na ginawa para sa kanya at kung anu-ano pa.

Nagpapakita lang ito kung gaano ka­mahal ng mga taga-Maynila ang kanilang bagong mayor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page