top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

18 thou plus na murang pabahay ng pag-ibig. naipamahagi na

  • Thea Janica Teh
  • Nov 3, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Umabot na sa 18,715 socialized homes ang naibahagi ng Pag-IBIG Fund para sa mga minimum-wage at low income members nito mula noong January hanggang September 2019.

Ang socialized homes ang 29% ng 65,375 units na nilaanan ng pondo ng ahensiya sa loob ng siyam na buwan. Ito ay nagkakahalagang P7.18 bilyon mula sa record-high nitong P58.73 bilyon home loans na inilabas sa 9 na buwan.

“Ang socialized housing program na ito ay para sa mga minimum at low-wage workers para magkaroon ng kanilang sariling tahanan. Ito rin ay tinatawag na Affordable Housing Program na isa sa ipinangako natin kay Pangulong Rodrigo Duterte na makapagbibigay ng abot-kayang pabahay sa ating mga miyembro,” bahagi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, chairperson of the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Ang programang ito ay bukas sa lahat ng miyembrong kumikita ng hindi tataas sa P15,000 per month mula sa National Capital Region (NCR) at ang mga kumikita ng hindi tataas sa P12,000 per month mula sa labas ng NCR. Pinananatili ng Pag-IBIG Fund ang pinakamababang interest rate na 3% per annum mula pa noong 2017 at dahil sa pagiging tax-exempt ng ahensiya mula sa Republic Act No. 9679, ang rate na ito ay maia-apply sa socialized home loans hanggang P580, 000.

“Dahil sa chapter, nakapagbibigay ang Pag-IBIG Fund ng pinakamababang rate sa home loans para sa mga minimum wage earners. Bukod dito, binabaan din namin ang insurance premium ng home loans mula sa Affordable Housing Program. At bilang resulta, ang mga borrowers ay makapagbabayad ng pinaka-affordable na monthly amortization na P2,445.30 sa P580,000 home loan! Ang lahat ng ito ay parte ng programa ng ahensiya na makapagbigay ng pinakamaganda at affordable na home financing program sa ating mga miyembro. Ito rin ang ibig sabihin ng Lingkod Pag-IBIG,” sabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page