P4-M premyo ng kampeon sa Travel City Racefest
- MC
- Nov 2, 2019
- 1 min read

Humigit kumulang apat na milyong piso ang mapapanalunan ng mga mangungunang kabayo sa ikaanim na edisyon ng Pasay ‘The Travel City’ Racing Festival na lalarga sa Linggo, Nobyembre 3, sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.
Ang one-day racing festival na ito ay kinatampukan ng apat na premyadong karera bilang paggunita sa anibersaryo ng Pasay City.
Ang 6th Pasay ‘The Travel City’ Cup ay may nakatayang P700,000 premyo para sa unang apat na magtatapos. Ang 1,600-metrong karerang ito ay paglalabanan nina Summer Romance, Truly Ponti, Stella Malone, Certain To Win, Victorious Colt, Scarborough Shoal, Metamorphosis, Pangalusian Island at Und Kantar.
Apat sa unang limang pagtatanghal ng naturang karera ay pinagwagian ng imported na kabayo kaya naman kinokonsiderang llamado sa Linggo ang mga imported runners na sina Truly Ponti, Certain to Win, Stella Malone, at Und Kantar.
Ang mananalong entry sa 6th Pasay ‘The Travel City’ Cup ay mag-uuwi ng P420,000 para sa winning owner, trainer at jockey.
Naglaan din ng P700,000 papremyo para sa 6th Pasay Rep. Tony Calixto Cup na paglalabanan ng limang local runners na sina Toy For the Big Boy, The Accountant, Shanghai Grey, My Jopay at ang paboritong si Boss Emong.
Naglaan din ang Philracom ng P1.04-M guaranteed prize para sa ikalawang leg ng Juvenile Fillies & Colts Stakes na tatakbuhin sa distansiyang 1,400 metro. Ang mga official entry rito ay sina Batang Evalom, Kiwirose, Union Bell, Four Strong Wind, Our Secret, Prime Time Magic, Exponential at Carmela’s Fury. Ang top winner ay magwawagi ng P600,000.





Comments