Kasabay ng 38th birthday ng aktor, Yassi… Julia, ipinagsigawan sa socmed ang pagbati kay Coco with m
- Beth Gelena
- Nov 2, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @montesjulia08
Viral ang post ni Julia Montes ng picture ng bida sa Ang Probinsyano na si Coco Martin. Ang nasabing larawan ay nilagyan ni Julia ng caption kung saan binabati niya si Coco sa 38th birthday nito kahapon (Nov. 1) with kiss and cake emoji.
Kinilig ang mga netizens sa paraan ng pagbati ni Julia. Ang iba ay nagtatanong kung sila na raw ba talaga.
“I know I’m gonna sound so out of loop, but is this a confirmation na sila talaga? Or matagal na bang na-confirm? I’m lost.”
Simpleng-simple raw ang galawan ng dalawang Kapamilya artists, pero pak na pak naman ang impact.
Sabi naman ng CocoJuls supporters, taun-taon ay binabati ni Julia ng happy birthday ang aktor.
“It’s her acct, it’s her right. I think every year, may ganyan siyang greeting naman. Difference lang ‘yung added emoji this year.”
May isang netizen naman ang nangantiyaw at nagsabing “Yassi (Pressman) left the group. Nag-log-out si Yassi at itinapon ang phone, hahaha!”
Komento ng isa pa, “OMG. Confirmation na ba ‘to? Hahaha! Si Julia, napakatahimik at mahiyain n’yan, so maglagay lang s’ya ng simple kiss emoji kay Coco means totoo na talaga. Kasi hello, puwede namang HBD at cake lang ang bati n’ya pero may kiss talaga????”
Marami ang nagsasabing magbabalik na umano sa sirkulasyon ang Kapamilya actress kaya dapat daw ay umiwas-iwas na si Yassi.
Pagtatanggol naman ng mga fans ni Yassi, walang dapat iwasan ang kanilang idolo dahil trabaho lang ang namamagitan sa kanilang idolo at kay Coco.





Comments