Patikim ni Ara, nakakaadik!

Janice Navida / Celebrity BTS
Kilalang magaling na aktres na ilang beses nang nanalo ng Best Actress at Best Supporting Actress award ang sexy actress na si Ara Mina.
Pero hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bukod sa kanyang acting career, isang entrepreneur din ang 40-year-old na si Ara, na Hazel Pascual Reyes ang real name.
75610623_404606697097621_297295810868019 75279268_428013564580126_971895818560733 73513478_2132514223718452_48759091294172 74413328_849109135491742_960147687141801 73009822_2442274632555745_46026080724713 73223433_2163244530446535_15325739619157
Kuwento ni Ara nang bisitahin namin ang main branch ng itinayo niyang Hazelberry Café sa Don Antonio Heights sa Quezon City para sa aming bagong online show sa BULGAR, ang #CelebrityBTS, teen-ager pa lang ay hilig na talaga niyang mag-bake ng cakes and pastries.

Nagsimula raw siya sa cookies and macaroons at ngayon, ang dami na niyang specialties sa kanyang Hazelberry Café na sa hitsura pa lang ng mga cakes, katakam-takam na. Ipinatikim nga niya sa amin ‘yung kanyang Strawberry Cheesecake, at nakakahiya mang sabihin, naparami ang tikim namin, hehe!
Bukod sa kanyang cakes and pastries, may mga frappe at lutong-Pinoy din na ino-offer sa Hazelberry Café na in fairness, mapaparami ka talaga ng kain sa sarap!
Happy naman si Ara na pagkatapos ng mga ‘ups and downs’ na pinagdaanan niya sa mga nakaraan niyang negosyo, marami na siyang lessons na natutunan na naia-apply niya ngayon sa pagma-manage ng Hazelberry Café.
Para sa mas masarap na kuwentuhan at iba pang detalyeng ibinahagi ni Ara Mina sa kanyang personal na buhay at negosyo, panoorin ang 4-part episode ng #CelebrityBTS featuring Hazelberry Café na magsisimula bukas, Sabado (Nov. 2) at 8 PM sa bulgaronline.com, Bulgar TV sa YouTube at Facebook page ng BULGAR.
Mga ka-Bulgar, nood na!





Comments