top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Road Warriors, nasa top spot na vs. ROS

ATD
Oct 31, 2019
1 min read

Sumalo sa tuktok ang NLEX Road Warriors matapos nilang sagasaan ang 111-91 panalo kontra Rain or Shine Elasto Painters sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nagtala si import Mike Harris ng triple-double na 29 points, 12 rebounds at 11 assists upang ikahon ang four-game winning streak ng Road Warriors at ilista ang 7-1 record.

Kasalo ng NLEX ang TNT KaTropa sa top spot ng team standings. Nangapa muna sa unang dalawang periods ang NLEX, dalawang puntos lang ang lamang nila, 51-49 sa halftime. Pero sa third ay humarurot ang Road Warriors ng 32-16 bentahe upang hawakan ang 18-point lead, 83-65 papasok ng fourth canto.

Si former National Basketball Association, (NBA) player Harris ang umakbay sa NLEX nang rumagasa sila sa third quarter.

Hindi nagpabaya ang NLEX sa payoff period, sumasagot sila sa tuwing lalapit ang Elasto Painters.

Samantala, siyam na Fil-Foreign ang nagdeklara na pagsali sa 2019 PBA Rookie Draft. Tiyak ang paglahok nina Roosevelt Adams at Sean Manganti. Nakapaglaro si Adams sa Mighty Sports at Go for Gold-CSB sa 2019 PBA D-League Aspirants’ Cup, isa siya sa best snipers sa mga sumali sa draft.

Isa sa malupit na forward si Manganti, dalawang taong nagpakitang-gilas sa Adamson sa UAAP. Inaasahang madadampot sa first round ng annual draft sina Adams at Manganti, gaganapin ang pilipan sa Dis. 8.

Ang ibang maagang naghayag ng pagsali ay si Franky Johnson na nakitaan ng tikas nang maglaro sa Gamboa Coffee Mix, Marinerong Pilipino at AMA Online Education.

Mga laro sa Linggo: (Araneta Coliseum) 4:30 p.m. - NorthPort vs Alaska; 6:45 p.m. - Bgy. Ginebra vs Meralco.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page