top of page
Pokwang.jpg

Panawagan

Thea Janica Teh
Oct 31, 2019
1 min read

Bulgarific

Tinatawagan ng pansin ang mga magulang ng batang lalaki na pinangalanang si JUSTINE NEIL ZARSUELA, tinatayang sampung (10) taong gulang. Ang bata ay iniwan sa harap ng gate ng Tvoli Greens Subdivision sa Barangay Batasan Hills, Quezon City. Ang pangalan ng kanyang magulang ay Jaime Zarsuela.

Tinatawagan din ng pansin ang mga magulang ng batang lalaki na pinangalanang si RUSSEL CARLO, tinatayang walong (8) taong gulang. Ang bata ay nakita na pagala-gala sa Broadway Avenue, Quezon City matapos iwanan ng dalawang babae na nag-alaga sa kanya. Sa kasalukuyan, sila ay nasa pangangalaga ng Bantay Bata 163 – Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan. Mangyari lamang po na makipag-ugnayan kay Jayson D. Tripulca, social worker ng Bantay Bata 163 – Children’s Village Munisipalidad ng Norzagaray o tumawag sa mga numerong 09499 – 758583 upang mapag-usapan ang tungkol sa kapakanan ng bata.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page