Nahulog mula sa langit, sign na mahina ang loob
- Socrates Magnus
- Oct 31, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Rhodel ng Rhodel_Villarin@face-book.com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Nahulog ako mula sa langit, tapos hinahabol ako at pagkatumba ko, hindi ako makatayo at makatakbo, gayundin, nagpakita sa akin si Jesus.
Salamat!
Naghihintay,
Rhodel
Sa iyo Rhodel,
Ayon sa iyong panaginip, kulang ka sa pagkilos para sa mga ambisyon mo. Ngayon ang tamang pagkakataon para harapin at lakarin ang landas ng buhay kung saan sa dulo ay naroroon ang iyong magandang buhay. Ito ang sinasabi ng panaginip mo na nahulog ka galing sa langit.
Mahina ang loob mo at parang nawawalan ka na ng pag-asa, kaya sa pagkahulog mo, hindi pumayag si Lord na makapunta ka sa langit nang hindi ka pa nagtatagumpay sa buhay.
Hindi puwede ang gusto mo na manirahan lang sa langit dahil ayon sa nasusulat, hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao dahil kailangan din niya ang salita ng Diyos. Ibig sabihin, ang tinapay ay sumisimbolo sa mga materyal na bagay.
Muli mong balikan ang nasusulat at intindihin mo. Huwag mong dayain ang iyong sarili at huwag mong pakinggan ang sinasabi ng iba na ang tao ay hindi nangangailangan ng materyal na bagay.
Hanggang hindi ka kumikilos para sa iyong ambisyon, mananatili ang mga panaginip na may humahabol sa iyo. Ito ang mensahe at mabuting balita sa iyo ni Lord na nakita mo rin sa iyong panaginip.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments