Loyzaga, tatalakay ng tsansa ng PHL baseball sa SEA Games

Espesyal na panauhin ang Philippine women’s baseball team ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga sa 46th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.
Pag-uusapan ng national women’s team members ang kanilang tsansa sa darating na 30th Southeast Asian Games sa Nob. 30-Dis. 11 sa Manila.
Makakasama ng national players sina PABA vice-president Boy Tingzon at coach Egay de los Reyes.
Dadalo rin sa 10 a.m. weekly public service program ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association ang mga young motocross riders na sina Quiana at Wenson Reyes na magbabalita rin hinggil sa kanilang nalalapit na local at international campaigns.
Bisita rin ang Palayan City basketball team, ang pinakabagong miyembro ng CBA sa session.
Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ang lahat ng mga opisyal at miyembro ng TOPS, mga kaibigan sa sports community na dumalo sa sesyon na ipinalalabas sa Facebook live via Glitter Livestream.
Ang TOPS ay binubuo ng sports editors, sportswriters at photographers mula sa mga pangunahing tabloids at bloggers mula sa iba’t ibang online sites.





Comments