top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaaway ng utol na si Gretchen… Ruffa, kasama ni Claudine sa pictorial ng magazine

  • Julie Bonifacio
  • Oct 31, 2019
  • 2 min read

Photo: @iloveruffag

Iniintriga ang pagsasama nina Claudine Barretto at Ruffa Gutierrez sa pictorial para sa isang glossy magazine. Kamakailan lang kasi ay nagkaroon ng isyu between Claudine’s elder sister na si Gretchen Barretto at Ruffa pagkatapos mag-comment ng huli sa picture na ipinost ni Julia Barretto sa kanyang social media account.

Inakusahan nga ni Gretchen si Ruffa na nakikisawsaw sa tinawag na ‘Barretto Family Feud.’ But after that, nanahimik na si Gretchen habang may mga naglabasang interbyu kay Ruffa kaya may mga nag-react sa pagsasama nila ni Claudine.

Gaya ng sinabi ni Ruffa, wala naman kasi silang gap ni Claudine or whatsoever. At bukod d’yan, feeling namin, mas pipiliin ni Claudine na ‘wag makialam sa isyu nina Ruffa at Gretchen. Mas maraming dapat pagkaabalahan si Claudine kesa makisawsaw sa isyu ng kanyang ate at ni Ruffa. Una na ang nalalapit na pag-alaala sa mga mahal natin sa buhay na namayapa na. For sure, magiging abala si Clau sa gagawin nilang pag-remember sa kanilang daddy na si Mike Barretto na namatay kamakailan lang.

Sana naman ay sundin ng magkakapatid na Barretto ang hiling ni Mommy Inday na ‘mag-ceasefire’ muna sila hanggang sa ika-40 days ng kamatayan ng Barretto patriarch. At sa 40 days na ‘yan, nakapaloob din ang araw ng pag-alala sa mga kapamilya nating namatay na.

Actually, now pa lang daw nagsi-sink in kay Claudine ang lahat ng nangyari at hindi raw naging madali sa kanya na tanggapin ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat how close she is to her parents.

Super hands-on si Claudine on taking care of her Daddy Mike sa ospital. Doon na nga siya halos nakatira that time. Pagkatapos, papaano raw maggi-grieve si Claudine, eh, agad na nagkagulo ang mga kapatid niya, naipit at nadamay pa siya?

Talagang hirap daw si Claudine na tanggapin ang lahat. Mabuti na lang, may mga kaibigan siya na tinu­tulungan siya to cope up by reminding her to be strong and focus on her mom, her kids and most of all, herself.

So now, idina-divert daw niya ang isip sa pagda-diet, treatments, exercise at pagpapaganda para sa kanyang pagbabalik sa pelikula.

Sa ngayon, ‘yung movie niya with Piolo Pascual at vlog niya ang naka-line-up na tututukan niya. At the same time, gusto rin pala ni Claudine na magkaroon ulit ng teleserye or another movie. Isa sa mga wishes niya ay makagawa ng movie na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page