Ayaw madamay sa gulo… James, inayawang maka-love team si Julia!

Hindi feel makatrabaho ni James Reid si Julia Barretto na dating na-link sa kanya. Ito ang naging sagot ng aktor sa kanyang panayam sa Tonight with Boy Abunda.
Sa nasabing panayam ay nagsabi ng mga aktres si Kuya Boy na puwede niyang makatrabaho at sasagot naman si James ng “games reid” kung okay at “games over reid” kung no.
Ang mga binanggit na aktres ni Kuya Boy ay sina Yassi Pressman, Janella Salvador, Liza Soberano, Kathryn Bernardo at Julia Barretto.
Sa lahat ng aktrs ay “games reid” ang sagot ni James which means ‘yes’, maliban kay Julia na “games over reid” ang isinagot niya.
Nang tanungin kung bakit, he replied, “Just there’s too much noise when it comes to fans and stuff.”
Dagdag pa niya, wala raw siyang problema kay Julia.
“I’ve no problem with her, it’s just, there’s just too much noise. . .”
Sabat ni Kuya Boy, “Para walang gulo” at sinagot naman ito ni James ng “Yeah, let’s make life easy.”
So, there!





Comments