Solong nanood ng concert… Liza, todo-enjoy sa Korea nang wala si Enrique
- Vinia Vivar
- Oct 30, 2019
- 1 min read

Photo: @gelcanaleja
Spotted si Liza Soberano na mag-isang nanood ng concert ng South Korean boy group na BTS (Love Yourself: Speak Yourself The Final) na ginanap sa Seoul, South Korea noong 2nd night (it was a 3-night concert) last Oct. 27.
Nakunan si Liza ng mga Pinoy ARMY (tawag sa mga fans ng BTS) sa labas ng Olympic Stadium at mapapanood nga sa video na tinatanong siya kung hindi ba niya kasama ang boyfriend na si Enrique Gil.
Sagot ng young actress, “No, he didn’t get a visa po. Hindi umabot.”
Nag-viral agad ang larawan and video ni Liza at puring-puri siya ng mga fans dahil napakabait at napaka-humble raw ng young actress. Makikita rin kasing nakikipagtsikahan siya sa mga kapwa-ARMY.
Certified ARMY si Liza at matatandaan pang nanood din siya sa Hong Kong concert ng BTS earlier this year. That time ay kasama niya si Quen at kapatid nitong si Andie Gil.
Halatang nag-enjoy naman si Liza sa concert kahit wala ang boyfie dahil nag-tweet pa siya that night ng video ni Suga (BTS member) taken at the concert. Caption niya, “Best rap line PERIOD no one comes close.”





Comments