Pencak Silat, naka-3 gold sa Tunggal at Ganda event

Nagwagi ng walong medalya kabilang ang tatlong gold medals ang koponan ng Philippine National Pencak Silat sa nakalipas na 8th Singapore Open Pencak Silat Championships 2019 noong October 26-27 sa Costa Sands Resort, Downtown East, Singapore.
Dalawang gintong medalya ang kinuha ni Kram Carpio sa Pre-Teen Female Tunggal at Pre-Teen Female Tanding Class F habang nagtulong sina Chance Fernandez at Angelo Becina para kunin ang isa pang gold medal sa Junior Male Ganda event.
Nakuntento sa silver medal si Jovelyn Go Valles sa Senior Female Tanding Class B samantalang nag-uwi ng apat na bronze medal ang koponan mula kina Mark Ferrater sa junior male Tanding Class C, Junerey Pabayos sa Senior Male Tading Class D, Jhec Amodia sa Senior Female Tanding Class C at isa pang medalya para kay Angelo Becina sa junior Male Tanding Class F.
Ang two-day event na binuo ng Singapore Silat Federation na nilahukan ng mga bansa mula Indonesia, Vietnam, Uzbekistan, Malaysia, Pilipinas at iba pa. Ang Silat ay isang klase ng Martial Arts na tradisyonal na ginagawa sa Brunei, Indonesia, Malaysia, Singapore, Mindanao, at silangang bahagi ng Thailand at gitnang parte ng Vietnam.





Comments