top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

In I Go at Hamlet patok Corazon, Cost Less Panama

Ding Taboy
Oct 30, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Bibitiwan ngayong hapon ang walong karera sa Additional One Win in Group Races sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Hahataw din ang Winner Take All, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 kasabay ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super 6. Sa Race 1 magsisimula ang WTA at maglalaban-laban ang mga kalahok na Toscana, Vhatang, Double Rock, Clan Leader. Ipinapatok ang In I Go makakalaban ang Francesca Fire at Den Deren DEnden sa tagpong magaganap sa 2 year old Maiden Race.

Sa Race 3 maglalaban ang tatlong matitikas at magagandang mananakbo gaya nila The Whole Truth, Amelia at More or Less, isama ang Lady Zip, Apo at Shining Courage sa umpisa ng Pick 6 kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at super six. Sa Race 4, magsisimula ang Pick 5 at ipinatok ang Cost Less at makakatunggali ang Bato.

Sa Race 5, mag-uumpisa ang pick 4 at maglalaban-laban ang Cannon Ball, Rosario Princess at Face Value. Nakalalamang ang Miss Marshall at makakalaban ang Magnum Force, samatalang ang Miss Thrifty at Bond Mission isama sa Quartet at Trifecta sa Race 6.

Paniguro ang puntos sa WTA ang Hamlet at katulong ang Lemonade at Forecast Only ang Rabbiosa, Beach Surfer at Kapayapaan sa Race 7. Sa Race 8, magandang parating ang El Mundo, Digame, Cats Dream at himig para sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page