top of page
Pokwang.jpg

Horoscope | Oktubre 30, 2019 (Miyerkules)

Maestro Honorio Ong
Oct 30, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 30, 2019 (Miyerkules): Hin­di ka mauubusan ng mga suwerte. Ito ang premyo mo mula sa langit dahil sa mga kabaitang ginagawa mo sa iyong kapwa.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ng iyong dam­d­amin kahit ang isip mo ay nasa tama at matuwid. Nangyari na ito sa iyo noon kung saan ang naging bunga ay nahanap mo ang daan ng iyong ka­ligayahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-24-31-39-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang daan ng pakikipag-ayos. Umuunlad ang buhay ka­pag payapa ang kaisipan dahil ang magulong buhay ay bukas na pintuan ng mga masasalimuot na suliranin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-20-26-36-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magma­dali at huwag ka ring mapagpilit. Mas ma­gandang pag-aralan mo nang mabuti ang mga nara­rapat na pagkilos. Ito ang mensahe ng iyong kapala­ran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-13-15-24-37-38.

CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ang barahang alas. Walang maga­gawa ang iyong mga kari­bal kahit sila ay magpumi­lit. Sino ang tatalo sa tulad mong pinakamalakas sa la­hat? Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-16-20-21-23-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag kang mag­patangay sa emosyon. Ma­ra­mi na ang nagsisisi dahil sa biglaang pagsunod sa ka­nilang damdamin kaya mas magandang hintayin ang tamang panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-10-12-25-33-36-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng lakas sa mga na­pag­tagum­pa­yan mo nang mga pagsu­bok. Dumaan ka sa mahi­rap na mga sitwasyon at ikaw ay nakitang nakaba­ngon. Ito ang mensahe ng iyong ka­pa­laran. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-13-24-27-34-42-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghinay-hi­nay ka at pag-aralan mo ang iyong paligid. Kapag nakita mong maganda ang takbo ng iyong negosyo, saka ka mag­dagdag ng puhunan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-21-25-39-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipahiram mo na ang ma­gandang ideya na hindi mo pa magagamit. Hindi ka mauubusan ng ka­kaibang mga ideya dahil ikaw ay likas na nagtataglay ng mayamang imahinasyon. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto­-12-25-26-34-36-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aangat pa ang iyong kala­gayan at hindi ka mananatiling nasa ibaba. Ikaw ay itinakda para sa ma­tataas na posisyon kung saan hahawak ka ng mabibigat na obligasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-21-23-35-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Panatilihin mo ang pagi­ging kalmado mo. Sa pagiging kalmado ng tao, nakakakita ng mga oportunidad na mapaulad pa niya ang kanyang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-17-20-33-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabagal ang ikot ng gu­long ng iyong kapalaran, pero pansa­man­tala lang ito. Sa muling pag­babalik ng iyong mga su­werte, maging ikaw ay hindi makapaniniwala sa kislap ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-23-30-39-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bibigyan ka ng langit ng pag­kakataon para masimulan mo na ang ma­tagal mo nang balak na ne­gosyo. Lakasan mo ang iyong loob dahil ngayon ang ta­mang panahon para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-6-9-17-23-30-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page