top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Blue Eagles, championship round ang pakay vs. UP

VA
Oct 30, 2019
1 min read

Maunang tumuntong ng kampeonato sa pamamagitan ng pagwawalis sa elimination round ang tatangkain ng reigning back-to-back champion Ateneo de Manila sa muli nilang pagtutuos ng University of the Philippines sa pagtatapos ng second round ng UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament ngayong hapon sa MOA Arena.

Bitbit ang malinis na barahang 13-0, ang Fighting Maroons na lamang ang nalalabing balakid para sa target na 14-game sweep ng Blue Eagles. Magtatangka ang Ateneo na duplikahin ang naitalang 89-63 na panalo kontra UP noong nakaraang Set. 29.

Gayunman, inaasahang sa pagkakataong ito na mas magiging dikdikan ang kanilang duwelo ng UP na hangad na gumanti sa nasabing talo na nabahiran ng kontrobersiya matapos ma-eject sa labas ng court ang kanilang headcoach na si Bo Perasol pagkaraang sugurin ang isa sa mga game officials na naging dahilan upang mapatawan sya ng 3 larong suspensiyon.

Maliban sa kagustuhang makabawi, puntirya din ng UP na mapigilan ang direktang pag-usad ng Ateneo sa kampeonato sa kabila ng nakakasiguro na ang Maroons sa second seed mapa- Final Four man o stepladder semifinals.

Sa iba pang mga laro, pare-parehas ng wala sa kontensiyon, tatangkain na lang ipanalo ang huling laro ng kanilang kampanya sa taong ito ng apat na mga koponang University of the East, National University, De La Salle at Adamson. Magtutunggali sa unang laro ng 10:30 a.m. ang Red Warriors at Bulldogs bago ang tapatan ng Green Archers at ng Falcons ng 12:30 ng hapon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page