top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

'Pagkamatay'; ni Claudine, kumalat hanggang abroad

Julie Bonifacio
Oct 29, 2019
1 min read

Nilinaw ng co-manager ni Clau­dine Barretto na si Bianca Lapus ang kumalat na balitang dead na ang Optimum Star. Nakakagulat ang balita dahil ‘di taga-’Pinas ang nagtanong sa amin tungkol sa balitang patay na si Claudine.

Kaya naman agad naming minessage si Bianca to ask what’s the truth behind sa kumalat na balitang dead na ang aktres. Mabilis din kaming sinagot ni Bianca at nakaluwag naman sa dibdib ang kanyang balita.

“Baka po dead na dead sa mga anak niya,” sagot ni Bianca. “Super mahal ni Claudine ang mga anak niya.”

Dead na dead din daw si Claudine nga­yon na mag-rebrand, magpapayat at naghahanda para sa comeback movie niya with Piolo Pascual sa Star Cinema.

“Saan nanggaling ‘yun?” tanong ni Bianca sa kumalat na tsika about Claudine.

Okey na okey daw si Claudine. In fact, naghahanap ito ng staycation for the holidays ngayon. Also, maglo-launch din sina Claudine at Bianca ng kanilang mommy vlog.

That’s nice. Sana magtuluy-tuloy na si Claudine sa pagpo-focus sa kanyang career.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page