Not once but twice pa… Pia, Pinalagan ng fans sa pambabastos kay Alden
- Nitz Miralles
- Oct 29, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Hindi na pinalaki nina Alden Richards at Pia Guanio ang nangyari sa Eat...Bulaga! last Saturday kung saan sa dalawang beses na pagiging presenter ng Pambansang Bae sa second and first runner-up sa Miss Millennial, hindi nabanggit ni Pia ang name niya.
Sa apat na hosts that time, si Paolo Ballesteros lang ang nagpahabol ng name ni Alden kaya nagreklamo ang mga supporters ng aktor sa Eat... Bulaga!.
Pero dahil sinabi ni Alden na “Hindi na dapat palakihin at love na lang ang pairalin,” mabilis nag-move on ang mga supporters niya.
Wala na rin ang tampo ng mga fans sa show, sa mga hosts, lalo na kay Pia at sa staff ng Eat...Bulaga! na nakalimutang isulat ang name ni Alden as presenter sa cue card at teleprompter.
Ibig sabihin, kasama pa rin si Alden sa biyahe ng Dabarkads sa Dubai na magkakaroon ng show sa November 13. In fact, kasama siya sa nagpo-promote sa Dubai show nila at kaya nag-a-advance taping ng The Gift para makasama siya.





Comments