top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Anak ng aktor na si Alfonso ang pinamahala sa mana… Albert, wa' paki sa mga iniwang yaman ni Ama

  • Erlinda Rapadas
  • Oct 29, 2019
  • 1 min read

Photo: @mega_magazine

Bilang asawa ng yumaong aktres na si Liezl (unica hija ni Amalia Fuentes-SLN) at ama ni Alfonso (ang administrador ng mga ari-arian ni Amalia), marami ang gustong malaman kung ano ang saloobin ng aktor na si Albert Martinez sa mga kaganapang nangyayari ngayon.

Maraming netizens ang nagsasabing napakasuwerte ni Alfonso Martinez dahil siya ang paboritong apo ng yumaong Movie Queen na si Amalia. May mga tsika na tiyak, malaki ang iniwang pamana sa kanya ng lola niya. Besides, siya rin ang nag-alaga kay Amalia sa loob ng apat na taon nang maratay ito sa karamdaman.

Sey naman sa amin ni Alfonso nang makausap namin sa last night ng burol ni Amalia, hindi pa raw na-stroke ang kanyang lola at nasa right mind pa ito, eh, naisaayos na ang mga papeles ng kanyang mga ari-arian.

Samantala, isang malapit naman kay Albert Martinez ang nagsabing walang interes ang aktor sa mga mama­nahin ng mga anak mula kay Amalia. Wala siyang interes na makialam kung ano man ang balak ng kanyang mga anak sa mga properties na ipapamana sa kanila.

May sariling negosyo ngayon si Albert. Nagba-buy and sell siya ng mga classic at vintage cars. Kotse ang hilig ni Albert at marami siyang koleksiyon ng mga luxury cars at may kinikita rin naman siya bilang in demand na aktor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page