Tumatakbo sa panaginip, sign na laging late
- Socrates Magnus
- Oct 28, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Erivar ng Erivar_Furaf@facebook.com
Dear Professor Ano ang ibig sabihin ng umiiyak sa panaginip, orasan at palaging tumatakbo?
Naghihintay, Erivar
Sa iyo Erivar, Ang ibig sabihin ng umiiyak sa panaginip ay ayaw umiyak sa nakakaiyak na nangyayari sa reyalidad.
At dahil ayaw umiyak, sa panaginip na lang iiyak.
Bakit? Kapag talagang kailangang umiyak pero ayaw umiyak, magkakasakit ang tao.
Kaya kapag ikaw ay umiiyak sa panaginip, umiyak ka na.
Ang palagi namang tumatakbo sa panaginip ay pangkaraniwang may tinatakasan at ang isa sa karaniwang tinatakasan ay ang multo ng kanyang nakaraan.
Minsan, ang kanyang tinatakasan ay ang kinatatakutan sa tunay na buhay at ‘yung mga dapat niyang gawin ay hindi niya ginagawa.
Minsan, ang panaginip na tumatakbo ay nararanasan ng taong palaging late o hindi makatupad sa takdang oras o araw.
Ang pahiwatig ng iyong panaginip ay dumating na ang takdang panahon para ikaw ay kumilos para sa ikauunlad ng iyong buhay.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments