top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Lakas ng Aussies: Betten at Duke sa black arrow crown

Gerard Arce
Oct 28, 2019
2 min read

Walang nakapagpigil sa bilis at tatag ng mga Aussie-greats na sina Sam Betten at Dimity Lee Duke para itakbo ang magkahiwlay na titulo sa 2nd Black Arrow Express 5i50 sa Subic Bay, sa Zambales, Linggo ng umaga.

Kumunekta sa oras na 1:57:22 si Betten upang pangunahan ang men’s pro division habang nagtala ng 2:18:25 si Duke para kunin ang titulo sa women’s event.

Umpisa pa lang ng karera sa swimming event ay rumehistro agad si Betten ng best time na 17:45 kasunod ang pacing na paandar sa 57:15 sa biking at 37:53 sa running. Nakuha ni Duke ang 22:26 sa swimming, 1:04:33 sa bike at 45:58 sa run para sa Olympic distance na 1.5K swim-40K bike-10K run.

“Yeah, I was so happy today. I knew that I was really fit but that was a very, very tough course, probably the toughest 5i50 course that I’ve ever raced on to date, which is great because as triathletes,” saad ni Betten, na masuwerteng nakuha ang titulo matapos umatras ang kababayang kampeon noong inaugural event na si Mitch Robins sa mga huling sandali bago ang kompetisyon.

Ang isa pang paboritong manalo na si Jakub Langhammer ng Czech Republic ay nagtapos sa ikalawang puwesto sa oras na 2:01:14 sa kanyang naitalang 18:50 sa swim, 58:54 sa bike at 38:59 sa running, habang ang Spaniard na si Fernando Jose Casares ay pumangatlo sa 2:04:35 upang angkinin ang Asian Elite crown sa dati nitong winner at SEA Games silver medalists John Leerams Chicano ng Pilipinas na lumapag sa 4th place sa 2:05:03.

Kung bahagyang naging madali para kay Betten ang laban sa men’s tiara ay pudpod naman ang paa ni Duke sa kakahabol para itala ang panalo sa naturang event.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page