top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Davao wakeboarder una sa SEA games torch relay

MC
Oct 28, 2019
1 min read

Photo: @mikeeyolap

Magiging isa sa bahagi ng ceremonial torch relay sa pag-host ng bansa sa 30th Southeast Asian (SEA) Games at isa ring malaking karangalan umano hindi lamang mula sa isang atletang taga-lungsod ng Davao na siyang hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa 19-anyos na si Mikee Selga, 2015 SEA Games wakeboard double bronze medalist, masaya at sobrang proud siya lalo na ang kanyang pamilya at mga kaibigan na makita siyang maging representante ng bansa sa darating na SEA Games.

Dagdag pa nito sa ulat ng Bombo Radyo Davao, aalis na sana siya sa Okt. 30 papuntang Clark para sa training sa SEA Games pero ipinagpaliban niya upang makasali sa torch relay sa gabi ng Okt.30.

Kasamang babandera ni Selga sa SEA Games ceremonial torch relay ang dalawa pang mga Dabawenya na sina Nesthy Petecio, Aiba Women’s World Boxing Championships 2019 gold medalist at Sydney Sy Tancontian ng judo na magsisimula sa Davao City sa Okt. 30.

Mula sa Malaysia, mag-uumpisa ang torch relay sa Davao bago daraan sa iba’t ibang bahagi pa ng bansa gaya ng Cebu, Tagaytay, Manila, Malacañang, Kamara at Clark, Pampanga.

Para kay Selga, sisikapin niyang magtagumpay na muli sa SEA Games at muling sungkitin ang medalya sa darating na kompetisyon sa kabila ng matitindi ang labanan at malalakas ang mga atletang ipadadala ng 10 pang mga bansa sa Southeast Asia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page