Wanted na rapist timbog sa hideout
ZAMBALES — Isang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Inhobol, Masinloc.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Toriesbert Moore, pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaresto si Moore sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.
Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek at kamakalawa lang nila ito natiyempuhang dakpin sa nasabing lugar.





Comments