Napag-iwanan ng mga kaibigan, naiinip na sa alok na kasal ng BF

Dear Roma, Ako si Geenie, 28 at ang BF ko ay 30-anyos. Nape-pressure na ako dahil ‘yung mga kakilala namin ay nagpapakasal na kaya hindi maiiwasan na tanungin kami ng mga kaibigan namin kung ano ang plano namin.
Sa totoo lang, napapaisip tuloy ako kung may plano ba talaga ang BF ko na pakasalan ako? Hanggang ngayon ay hindi namin napag-uusapan ang pagpapakasal kaya minsan, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung ako kaya ang nakikita niyang makakasama sa pagbuo ng pamilya? Roma, ano ang gagawin ko? — Geenie
Geenie, Lahat ng tao ay may kani-kanyang timeline at pananaw sa pag-aasawa at pagbuo ng pamilya kaya hindi ka dapat ma-pressure kung nakikita mong nagsisimula nang bumuo ng kani-kanyang pamilya ang mga kaibigan mo. Gayundin, huwag kang mag-aalala kung hindi pa ninyo napag-uusapan ng BF mo ang tungkol sa pagpapakasal dahil malay mo, may magandang plano siya para sa future ninyo. Tandaan, hindi mo kailangang makipagsabayan sa mga kakilala mo para hindi mapag-iwanan. Maghintay ka lang dahil darating din kayo r’yan. Good luck!





Comments