top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tameme na sa away kay Marjorie… Gretchen at Claudine, mas sinunod pa si Atong kesa sa madir

  • Nitz Miralles
  • Oct 26, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Back to normal ang Instagram (IG) account ni Gretchen Barretto. Ibig naming sabihin, video ng pagrampa niya sa mga pinupuntahan na parang nasa runway siya ang makikita.

In fairness, na-miss ‘yun ng kanyang mga followers mula nang sumabog ang away nila ni Marjorie Barretto sa pagkamatay ng ama nilang si Miguel Barretto.

Ibig kayang sabihin nito, sinu­nod ni Gretchen ang payo ni Atong Ang nang mag-guest sa TV Patrol na tigilan na nilang mga Barretto sisters ang away para sa kanilang ina at mahalin-su­portahan na lang nila ito?

Nakakalungkot lang sa parte ni Mrs. Inday Barretto at ng ibang Barretto siblings na mas pina­kinggan pa nina Gretchen at Claudine si Atong na tigilan na ang pag-aaway-away.

Ang latest post ni Gretchen na nasa San Francisco pa rin ay mag­da-dine-in siya sa isang resto at bago pumasok ay rumampa mu­na sa labas. Sa video, makikitang wine ang inorder ni Gretchen. Ma­tagal itong hindi ginawa ng aktres.

Naka-set pa rin sa “comments on this post have been limited” ang IG ni Gretchen kaya walang ma­kapag-comment sa last post niya na kapalit ng pagbabayad ni Julia Barretto ng P500K at ni Marjorie ng P50K sa hospital bills ng kanilang ama ay ang bahay nito sa Subic.

Sa condo na binili yata ni Claudine (kung ‘di kami nagkakamali) naninirahan dito sa Manila ang parents ng mga Barretto.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page