Paghuhugas ng paa, sign na huwag gumawa ng kaimoralan
- Socrates Magnus
- Oct 26, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Joseph ng Joseph _Viginia@facebook.com
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na marumi ang mga paa ko kaya hinugasan ko? Papasok kasi ako sa bahay at galing ako sa palengke.
Naghihintay, Joseph
Sa iyo Joseph, Bukod sa katotohanang ang katawan ay templo ni Lord kaya dapat palagi itong malinis, ang bahay ay sumisimbolo sa katawan na dapat ding malinis dahil ito ang tahanan ng espiritu o kaluluwa.
Ang pagiging malinis ang katawan ay nagsasabi na ang tao ay hindi dapat mahawa sa masamang gawain at ang palengke ay naglalarawan sa mundo dahil dito sa mundo, ang palengke ng mga ideya ay ibinebenta.
Ipinaaalala sa iyo ng panaginip mo na ang maririnig mong magagandang ideya ay huwag mong paniwalaan nang basta-basta, kumbaga, hindi porke maganda sa paningin ay kakainin mo na.
Sa labas ng bahay, marami kang mapupulot na kung anu-ano, pero ang mga ito ay hindi makabubuti sa iyong pagkatao. Ang sabi nga, ang makamundong bagay ay dapat iwasan kaya ayon sa iyong panaginip, hindi ito makabubuti sa iyo.
Ang sinasabing makamundong bagay ay ang katakawan, kalibugan o immoral na gawain at pagkahumaling sa materyal na bagay, inggit at iba pang bagay na makasisira sa personalidad.
Ang mga ito ay huwag mong ipasok sa katawan mo dahil muli, ang katawan ng tao ay templo ni Lord.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments