Kaya raw sila naghiwalay… Sigaw ni Alexa: Nash, ipinagkakalat na nanlalaki ako!
- Vinia Vivar
- Oct 26, 2019
- 3 min read

Shocking ang mga rebelasyong pinakawalan ni Alexa Ilacad tungkol sa dati niyang ka-love team na si Nash Aguas sa presscon ng pelikula niyang Santigwar last Thursday.
Matagal nang buwag ang love team nina Alexa at Nash called NLex pati na rin ang anumang romantic involvement nila (mutual understanding as termed by Alexa) at may girlfriend na ngayon ang young actor — ang Kapuso young actress na si Mika dela Cruz.
Pero may mga hindi pa pala alam ang publiko na nangyari kina Nash at Alexa at ini-reveal ito ng young actress sa presscon.
Ayon kay Alexa ay pinagbintangan siya ni Nash na nanlalaki noon na apparently ay isa sa mga dahilan kung bakit sila nagkahiwalay.
Simula ni Alexa, ayaw na sana niyang magsalita pa at kung gusto raw niya, di sana ay noon pa.
Pero bago raw siya pumunta sa presscon nang araw na iyon ay nakita raw niya na nagte-trending siya sa Twitter.
“When I saw I was trending, it was because his camp or his fans were bashing me and were trying to spread rumors about me, the same rumors that they have been spreading all these years since, I think, 2017, na parang sinasabi nila na I have no right to talk about that ‘13 years thing’ and all of that, because ako naman daw ang nanloko,” pahayag ni Alexa.
Naniniwala ang young actress na walang ibang panggagalingan ang rumor na ito kundi kay Nash mismo.
“Where would the fans get the idea na nanlalaki ako? Someone fed it to them. And who was that someone? It’s Nash. So, why would… you said you love me, would you do that to someone you love? Would you throw them under the bus over something that isn’t even true?” sey ni Alexa.
Isa pang proof daw na talagang si Nash ang nagkakalat na nanlalaki siya ay nang sabihin ito sa kanya ng kanyang makeup artist.
“Sabi ng makeup artist sa akin, ‘Beh, sabi ni Nash, nanlalaki ka raw.’ So, ipinakakalat niya. ‘Yung assumptions niya, it was purely his assumptions na just because I was starting to have new friends, and maybe I didn’t have as much time for him like I did as before and hindi ko siya masagot, ‘yung theory niya ru’n is ‘Ah, kasi, may lalaki ka,’ which is unfair,” ani Alexa.
Hinamon ni Alexa ang mga fans na namba-bash sa kanya and of course, directed na rin kay Nash na magpakita ng proof na nanlalaki siya’t huwag puro salita lang.
“Wala nga akong dyowa, eh. Pls. show me the proof you have before you talk about anything ‘coz I’m confident that there’s nothing.”
Rebelasyon pa ni Alexa, naging toxic na raw ang relasyon nila ni Nash noon dahil naging insecure and controlling ito.
“Nash became very jealous, he became very controlling, especially because he wanted me to be his girlfriend but I couldn’t say yes.
“So, I think that created insecurities with him, and that just became so, so toxic na sabi ko, ayoko na.
Parang he was making me choose na ‘Me or your music’ and he was saying he was supportive.
“So, sabi ko, ‘Ayoko ng ganito, why would you make me choose?’” sabi pa ni Alexa.
Nilinaw din ng young actress na hindi niya ginagamit si Nash para sa promo ng Santigwar. It’s just that ayaw daw kasing tumigil ng kampo ng aktor kaya napuno’t napagod na siya.
Samantala, ngayong October 30 na ang showing ng Santigwar na Halloween offering ng Horseshoe Studios and Reality Entertainment mula sa direksiyon ni Joven Tan.
Masaya si Alexa na siya ang napili para maging lead star ng movie at title role pa. Ito ang first lead role niya kaya sobrang excited siya.
Kasama rin sa pelikula sina Marco Gallo, Marlo Mortel, Aubrey Miles, Keann Johnson, Pam Gonzales at marami pang iba.





Comments