top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dyip, ginulungan ang Fuels

  • ATD
  • Oct 26, 2019
  • 1 min read

Kinalsuhan ng Columbian Dyip ang two-game skid matapos nilang pagulungin ang Phoenix FuelMasters, 106-104 sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Tumikada si reinforcement Khapri Alston ng 30 points at 19 rebounds para tulungan ang Dyip na ilista ang 4-4 karta.Bumakas naman si super rookie ng 25 markers, walong boards at apat na steals para sa Columbian. Ipinaramdam agad ng Dyip ang kanilang lakas sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 10-point lead, 52-42 sa halftime.

Hindi naman nasiraan ng loob ang FuelMasters, sila naman ang humarurot sa third canto upang agawin ang bentahe, 76-74 papasok ng fourth. Kinapitan ng Phoenix si import Alonzo Gee para irehistro ang 34-22 bentahe sa third canto. Subalit nabawi ng Columbian ang bandera sa payoff period, naging matatag sa endgame upang makuha ang importanteng panalo.Samantala, pakay ng Barangay Ginebra Gin Kings na lagukin ang three-game winning streak upang mapaganda ang kanilang karta.

Tangan ang 3-2 card, haharapin ng crowd favorite Gin Kings ang Rain or Shine Elasto Painters sa ala-6:45 ng hapon sa nasabing lugar. Muling kakapitan ng Barangay Ginebra sina import Justin Brownlee at locals LA Tenorio, Stanley Pringle at Scotie Thompson upang masilo ang inaasam na panalo.Huling biktima ng Gin Kings ang Magnolia Hotshots, 105-83 noong October 20 sa Big Dome kung saan kumayod si Brownlee ng 27 points, 10 assists at siyam na rebounds.Subalit tiyak na ganadong maglaro ang Elasto Painters dahil nanaig sila sa kanilang huling laban kontra Blackwater Elite, 99-82 noong Miyerkules. Magkakaldagan naman ang Alaska Aces at Blackwater sa unang laro, 4:30 p.m.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page