top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Catantan, gold sa U-23 Bangkok Asian Fencing

  • Gerard Arce
  • Oct 26, 2019
  • 2 min read

Muling nagpamalas ng kahusayan ang Filipino nang iuwi ni Samantha Kyle Catantan ang kauna-unahang gintong medalya sa under-23 individual tourney sa 2019 Asian U-23 Fencing Championships sa Bangkok, Thailand

Itinarak ng 17-anyos ng University of the East student-athlete ang gold medal sa women’s individual foil at tinalo niya ang mga matitinik na manlalaro sa rehiyon ng Asya upang itusok ang panalo.

Hinigitan ni Catantan ang South Korean opponent na si Yu Min Chui, 15-9 upang makuha ang pinakamataas na podium finish, ngunit bago ito makatuntong sa final match ay dumaan ito sa butas ng karayom nang lampasan ang isa pang Koreano na si Choi Minseo, 15-14 sa semis duel.

Bago makatuntong sa final round, nakapuwesto bilang second seeder si Catantan sa 39 kabuuang kalahok na nabiyayaan ng Bye sa round of 64. Madali nitong tinapos ang crowd favorite na si Natnicha Woravijit ng Thailand, 15- 4 sa round-of-32. Naging dikdikan ang palitan ng eskrimahan ni Catantan laban kay Chin Man Yang ng Chinese Taipei sa iskor na 15-14 sa round-of-16 hanggang lampasuhin niya si Phillipa Ong Jiyi ng Malaysia 14-4 sa quarterfinals. “My first Asian individual gold medal,” wika ni Catantan sa Facebook post nito.

Ito na umano ang ikalawang gold medal ni Catantan sa Asian stage makuha ang unang gold medal kasama sina Maxine Esteban, Justine Tinio at Wilhelmina Lozada sa Akari Asian Under 23 Fencing team championships sa Ynares Sports Center sa Pasig City noong 2018.

Sa 2019 biennial meet edition sa Pilipinas na magbubukas simula Nob. 30-Dis 11 sa iba’t ibang parte ng Luzon, susubukan ng dating UAAP juniors MVP na si Catantan na matulungan ang bansa na makamit ang ikalawang overall crown gayundin ang malampasan ang 1-3-2 gold-silver-bronze medal finish ng bansa sa Malaysian meet. Gaganapin ang mga laro sa Foil, Epee at Sabre event simula Dis. 1-6 sa World Trade Center sa Pasay City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page