Pitong karera sa San lazaro park
- Ding Taboy
- Oct 25, 2019
- 1 min read

Aalagwa ngayong gabi ang 7 karera kasabay ng Additional One Win in Group Races sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Hahataw din ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 kasabay ng pag-arya ng Trifecta, Quartet at Pentafecta. Sa Race 1 magsisimula ang WTA at ipinapatok ang Twinkle Toes at ang Papa Loves Mambo mainam na pandehado sa Trifecta, Quartet at Pentafecta.
Mag-uumpisa ang Pick 6 sa Race 2 at masasaksihan ang labanan sa pagitan ng Highway Hill at at Sheer, isama sa paratingan sa Trifecta ang Lucky Jullian.
Sa Race 3 pinapaboran ang Flash Dance at makakalaban ang Lady Pio simula ng Pick 5. Magsisimula ang Pick 4 at paglalabanan ng Lucky Saver, Caraga Storm at Marino ng Tanglaw sa unahan sa Race 4.
Pinapaboran ang Backdoor Cover habang makakalaban ang Crème Brule habang ang Glitter Face ang isama sa Trifecta sa Race 5. Sa Race 6, pinapaboran ang couple entry na Only One at Taipan One habang ang Adorable Felicia ang posibleng tumalo. Ipinapatok ang Redmond habang makakatunggali ang couple entry na Easy Landing at Huckleberry at isinama sa paratingan sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Belle Esprit at Vivid Pink sa Race 7.





Comments