top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nag-comment lang sa piktyur ni Julia, anak, inaway na… Resbak ni Annabelle: Gretchen, magalit ka du&

Vinia Vivar
Oct 25, 2019
2 min read

Parami nang parami ang nadada­may sa Barretto sisters scandal/controversy. Para siyang isang te­le­serye talaga na nadaragdagan nang na­daragdagan ang mga karakter. Ang latest ngayon, dawit na rin ang mag-inang Anna­belle Rama and Ruffa Gutierrez sa issue.

Nagsimula ang pagkakadamay nina Ruffa and Annabelle nang mag-comment ang una sa Instagram post ni Julia ng “Freshhhhhh” na may kasamang tatlong star eyes emoji.

Obvious na hindi ito nagustuhan ni Gretchen Barretto dahil in-screenshot niya ito at ipinost sa kanyang Instagram account with caption, “Sawsaw pa more Ruffy!! Take it take it.”

Siyempre, as always and forever, to the rescue ang nanay ni Ruffa at nag-post sa kanyang Instagram account bilang pagta­tanggol sa anak.

Sa kanyang post ay ni-lambast niya si Greta na deleted na ngayon, pero nakunan ng iba’t ibang showbiz blogs and websites ang nasabing post.

“Kawawa ka naman. Halos wala ka nang kakampi. Halos buong mundo, isi­nu­sumpa ka. Nananahimik kami, bakit galit ka sa comment ng anak ko, masama bang mag-comment ng positive?

“Bakit ka ba nagwawala, hindi naman tungkol sa ‘yo ang comment?! Dapat kang magalit sa mga nag-post ng pictures n’yong dalawa ng boyfriend mo na nasa airport kayo hanggang sa airplane.

“Ayaw kong pahabain pa itong sagot ko sa ‘yo. Magbasa ka na lang ng bad comments ng netizens about you at doon ka mag-react!” ang mahabang litanya ni Annabelle na burado na.

Nag-post din si Ruffa sa kanyang IG na tila sagot din kay Greta.

“The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF,” ang post ni Ruffa at nilagyan ng hashtags na #HappyLife, #HappyGirl at #PositiveVibes na puwede mong isiping pang-asar kay Greta.

Nagpahayag naman si Annabelle ng suporta sa anak sa comments section.

“Tama, huwag mo na patulan ‘yan. Don’t waste your precious time! Basta ma­hal ka namin ng family mo, ‘yun ang impor­tante!” ang komento ni Momshie Annabelle.

Sumagot naman si Ruffa na halatang touched. Aniya, “@annabelleramaig is this really you mother dear??? I love you too awwww THANK YOU. #family.”

Kasabay nito ay nag-post din siya sa kanyang IG Story ng pasasalamat sa pamilya at mga kaibigan at statement na rin hinggil sa issue.

“Thank you Lord for the gift of family & true friends. I no longer sit at tables where I might be the topic when I get up. Love love loveeee,” ang mensahe ni Ruffa.

Hindi pa rito natapos dahil kahapon ay may bagong post si Ruffa na family picture nila with matching positive caption but at the same time, you’d think na isa itong pa­saring din sa pamilya Bar­retto.

“Waking up today with a grateful heart. Taking a moment to breathe, pray and be thankful for the gift of family. Masaya, min­san nagkakatampuhan, mai­ngay (lalo na si mom­my), pero ang pinaka­im­portante, nagtutulungan at nag­mamahalan kami. I love you fambam!! #Bles­sed #FamilyLove #Hap­py­Life,” ang caption ni Ruffa sa family photo nila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page