HD Spikers, nag-champ sa turf open crown

Nagpakawala ng nagbabagang 33 kills para sa panibagong rekord nitong 43 points si Marck Espejo upang tulungan ang Cignal HD na kunin ang titulo sa 2019 Spikers’ Turf Open Conference crown sa Paco Arena sa Manila.
Nagsubi pa ng karagdagang walong hits at dalawang blocks si Espejo, gayundin ang 22 excellent receptions at 8 digs para sa pangkabuuan niyang magandang laro para lampasan ang Go for Gold-Air Force, 21-25, 25-22, 24-26, 25-16, 15-6 at ipagdamot sa Jet Spikers ang korona sa best-of-three championship series.
Bukod sa Finals MVP honors sa naturang liga, winasak din ng dating UAAP 3-time champion mula Ateneo ang 41-point performance ni Howard Mojica ng Emilio Aguinaldo College laban rin sa Ateneo team nito noong Agosto 19, 2015.
Tulad din ng naunang laro sa Game 1, naisandal din ng HD Spikers ang 1-2 kalamangan sa laro, ngunit hindi nagpatinag ang Jet Spikers sa pangunguna nina Rikko Marmetto, Ran Abdilla at Fauzi Ismael upang dalhin ang laban sa decisive 5th set.
Gayunman, walang nakapagpigil sa malulupit na atake ni Espejo at sa mga tulong nina Ysay Marasigan, Edmar Bonono at Vince Mangulabnan upang kunin ang titulo. “We’re so happy and we can’t believe we emerged as champs since we lost so many players before the tournament. But we thank the Lord for giving this (championship) to us,” wika ni Cignal head coach Dexter Clamor.





Comments