Eatlog Run, matagumpay, 2,000 runners ang sumali
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Naging matagumpay ang Eatlog Run 4 kasabay ang pagdiriwang ng World Egg Day sa Pilipinas kasama ang The Philippine Association of Breeders and Layers, Inc. (PABLI), DSM Nutritional Product Philippines at The Good Egg by Sarimanok.
Dahil sa pagtutulungan ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) ay napagsama-sama ang halos 2,000 runners sa SM by the Bay sa Pasay City para sama-samang tumakbo at magdiwang.
Unique ang fun run na ito dahil sa mga egg stations na madaraanan habang tumatakbo. Nakatikim ang mga runners ng egg sandwich, boiled egg, leche flan at lechon!
Apat na taon nang adbokasiya ng organisasyon ang ganitong programa para maipakita sa bawat Pinoy ang importansiya ng pagkain ng itlog sa araw-araw. Isa ang Pilipinas sa pinakamahinang magkonsumo ng itlog sa buong Asia kaya naman magandang ipaalam sa mga Pinoy ang importansiyang ito.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng lechon station para maipakita na safe ang pork sa Pilipinas sa kumakalat na African Swine Fever (ASF).
Ang programa ring ito ang naging daan para matulungan ang AFP Educational Benefit System Office (AFP-EBSO) at Save the Children Philippines para sa kabataang gustong makapag-aral at makapagbigay ng kanilang mga pangangailangan.
Congratulations din sa lahat ng winners sa fun run na ito. Hindi lang ito pagtulong at pagbibigay-kaalaman sa mga Filipino sa importansiya ng pagkain ng itlog kundi bonding na rin ng buong pamilya at barkada!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments