top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

11-anyos na naturukan ng dengvaxia. nangingisay, pabalik-balik sa ospital

Daing Mula sa Hukay
Oct 25, 2019
6 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

Pao Chief Persida Acosta / Daing mula sa hukay hustisya

Alam natin ang bansag sa Overseas Fi­li­pino Workers (OFWs) bi­lang mga bagong ba­yani ng ating bayan. Ma­laki ang ambag nila sa ating bansa at kapag sila ay nag­pasya na ma­natiling muli sa Pili­pi­nas, ang mga ka­ala­man at karanasang na­dag­dag sa kanila sa pi­nag­trabahuhang bansa ay baon din nila sa pag-uwi. Ma­halaga ang lahat ng ito. Ngunit, ang pinaka­ma­­tim­bang ay ang mga sakripis­yong dinanas nila at sakit na tiniis nang malayo sa kani­lang mga minamahal sa buhay.

Isa si Gng. Girlie Estan­darte Samonte sa mga OFW na ito. Siya ay itinuring na bayani ng kanilang pamilya nang siya ay mangibang-ba­yan upang maghanapbuhay. Sa kanyang pagbabalik, isa si­yang makabagong Gabriela Silang kung ituring ng kan­yang mga kasamahan. Si Girlie ay nanay na buo ang loob sa pakikipaglaban sa mga nabakunahan ng Deng­vaxia na kundi man nama­tay, pagkaraan ay patuloy na nabubuhay nang may ka­ram­damang ninanais na ma­lag­­pasan.

Siya ang mapag­ma­hal na ina ni Mark Jo­seph Es­tandarte (MJ). Umalis siya sa bansa at pumunta sa Jordan noong Disyembre 22, 2017, ngunit, napilitang umuwi noong Marso 3, 2018 dahil sa hindi magandang nang­yari sa kalusugan ni MJ. Na­rito ang pahayag ni Gng. Girlie:

“Upang masuportahan ang aking mga anak, ako ay nagpunta sa Amman, Jor­dan noong Disyembre, 2017 upang magtrabaho bilang domestic helper. Iniwan ko ang aking mga anak sa pa­ngangalaga ng aking kapa­tid na si Jonalyn T. Estan­darte. Dahil sa nangyari kay MJ, napilitan akong umuwi ng Pilipinas noong ika-3 ng Marso 2018. Pag­dating ko, naabutan ko si MJ na nakaratay sa isang ospital sa Maynila, naka­tali at hindi na makapag­sa­lita, makakita at makakilala. Si­nabihan ako ng doktor na siya ay mayroong meningi­tis.

Nakatali siya dahil inu­un­tog niya ang kanyang ulo at katawan sa kama. Napa­kasakit na naghahanap­buhay ako sa Jordan pero bigla ko na lang nabalitaan ang aking anak ay nakara­tay sa ospital at hindi na ako kilala. Labing-isang araw mula nang dumating ako nang siya ay unti-unting na­kapagsalitang muli.”

Ang nabanggit na pang­ya­yari ay hindi naging ba­hagi kailanman ng mga ba­ngu­ngot ni Gng. Girlie bilang ina dahil ang anak niyang si MJ na ipinanganak sa Da­vao City noong Agosto 25, 2008 ay lumaking malusog, ani Girlie tungkol kay MJ:

“Hindi pa siya nagka­sakit nang ma­lubha, kagaya ng dengue at hindi siya na­dala sa ospital kailanman ma­liban noong siya ay ipi­na­nganak. Kum­pleto rin siya sa mga bakuna ng De­partment of Health.” Ga­yunman, nagbago ang lahat hinggil sa kalusugan ni MJ mula noong Setyem­bre 2017. Ani Gng. Girlie, “Pag­pa­sok ng Setyembre 2017, ma­tapos mabakunahan, nag-umpisang mawalan ng ga­nang ku­main si MJ. Napan­sin ko rin ang unti-unti ni­yang pagpa­yat at pagbaba­go ng ugali. Naging mainitin din ang ulo niya.”

Nabakunahan si MJ ng Dengvaxia noong Agosto 30, 2017 sa isang health center sa Tondo, Manila ka­sama ang kanyang kapatid na si Shane Harlie Mark Benosa. Noong panahon na iyon, si MJ ay siyam na ta­ong gulang na mag-aaral sa isang eskuwelahan sa Ton­do, Manila.

Si Gng. Girlie ay na­pa­pa­yag na mabakunahan ang kan­yang mga anak dahil sina­bihan siya ng mga nag­tu­rok na health workers na libre ito at makabubuti sa mga bata. Dagdag pa nila, ma­hal ang bakuna kapag pri­badong klinika ang mag­tuturok.

Bukod sa mga nabang­git, narito ang mga pinagda­anan ni MJ sa iba’t ibang pet­sa noong 2018 na pinani­ni­wa­laan ni Gng. Girlie na may kaugnayan sa Dengvaxia:

1. Enero 23, 2018, alas-7:00 ng gabi – Biglang na­ngisay si MJ. Dinala siya sa ospital sa Tondo, Manila. Isi­na­ilalim sa mga laboratory test ang dugo at ihi, ngunit, naging negatibo ang lahat ng resulta kaya pinauwi rin siya at pinayuhan na uminom ng paracetamol.

2. Pebrero 26, 2018 – Na­gising si MJ at nagsabi sa kapatid ni Gng. Girlie na si Jona­lyn na siya ay nasusuka kaya pinatayo siya ng huli at pina­labas para sumuka, ngunit, pagtayo niya ay bigla itong bumagsak, nahilo at sumu­ka.

Hindi na siya nakata­yong muli kaya dinala siya sa ospital. Muling suma­ilalim si MJ sa laboratory tests sa ihi at dugo, ngunit hindi na matandaan ni Jo­nalyn ang naging resulta ng nasabing tests. Tuma­gal si MJ ng dalawang araw sa nasabing ospital.

3. Pebrero 28, 2018 – Ini­lipat si MJ sa ibang ospital sa Maynila kung saan siya ay na-diagnose na may en­cephalopathy secondary to Ruptured Atrio Ventricular Malformation with Intra­ven­tricular Hemorrhage. Su­mailalim sa maraming la­boratory tests doon si MJ.

4. Marso 12, 2018 – Su­mailalim si MJ sa Magnetic Resonance Imaging (MRI). Nakita na may pumutok na ugat sa kanyang utak. Na-discharged si MJ mula sa ospital noong Marso 16, 2018. Kinailangan ni Gng. Gir­lie na maghanap ng ospi­tal na may 4-vessel angio­gram dahil wala nito sa pi­nagdal­han nilang ospital.

5. Marso 21, 2018 – Nagtungo si Gng. Girlie sa ibang ospital at nagpabalik-balik sa neuro OPD para makakuha ng schedule para sa 4-vessel angiogram ni MJ. Na-schedule sila noong Hunyo 29, 2018 at na-admit sa ospital ng alas-11:00 ng umaga, ngunit, nagbago ang isip ni Gng. Girlie dahil sa takot na kanyang naramda­man para sa buhay ni MJ.

6. Hulyo 1, 2018 – Nag­desisyon si Gng. Girlie na lu­­mipat sa ibang ospital upang magpa-check-up sa neuro OPD. Sila ay na-admit noong Hulyo 8, 2018 para sa pag­hahanda sa gagawing 4-ves­sel angiogram.

7. Hulyo 10, 2018 – Su­mailalim si MJ sa 4-vessel angiogram at doon nakita na may AV-malformation ito at sinabihan sila ng dok­tor na kailangang sumaila­lim ni MJ sa Gamma Knife Sur­gery sa isa pang ospital kaya nagpunta si Gng. Girlie roon upang makakuha ng sche­dule para sa nasabing operasyon.

8. Setyembre 25, 2018 – Na-admit si MJ sa pinag­dalhang ospital sa San Juan City. Sumailalim muli siya sa 4-vessel angiogram at MRI para makita kung pu­wede at kakayanin niya ang Gamma Knife Surgery. Pag­katapos ng operasyon, ipi­nag­bawal kay MJ ang ma­untog, maglaro, mapagod, magpuyat at sumali sa lahat ng school activities.

9. Oktubre 30, 2018 – Nagka-seizure si MJ at mu­ling dinala sa doktor, ngunit, sinabihan kami na iuwi siya at obserbahan sa bahay. Nag­­bigay ng reseta ang doktor upang mabilhan ng leveti­ra­cetam si MJ para maiwa­san ang pagkakaroon ng seizure.

Pagsapit ng Pebrero 3, 2019, muling nagka-seizure si MJ at dalawang beses noong May 28. Sa pagitan ng mga panahong ‘yun, nag­karoon si MJ ng lagnat at rashes sa katawan. Nakara­nas din siya ng madalas na pagkahilo, pamumula ng mga mata at pananakit ng kanang bahagi ng ulo. Dahil sa nangyayari kay MJ, na­sabi ni Gng. Girlie ang su­musu­nod na punumpuno ng dam­damin:

“Hanggang ngayon ay patuloy kong binaban­tayan ang kondisyon ni MJ. Lubos akong nag-aalala tu­wing nag­kakasakit siya. Hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin para hindi na maulit ang nang­yari sa kanya. May mga ga­bing hin­di ako makatulog sa pag-aalala at pag-iisip kay MJ.”

Sa kabila ng matinding pag-aalala ni Gng. Girlie sa anak, hindi nito naaapektu­han ang matibay niyang pa­ninindi­gan hinggil sa naga­nap na pag­babakuna ng Deng­vaxia sa kanyang mga anak at mga naging desisyon dahil dito. Ani Gng. Girlie:

“Nais ko ring li­wa­nagin na hindi ipinaliwa­nag nang maigi sa amin kung ano ang bakunang isi­naksak sa aking anak. Ga­yundin, hindi pa nagkaka­roon ng dengue ang aking anak bago siya ma­turukan ng Dengvaxia at walang ka­kaiba o bagong gamot o ke­mikal na puma­sok sa kata­wan niya kundi ang Deng­vaxia. Naging pabaya ang mga taong gu­mawa ng pag­babakuna na ito sa mga bata. Kaya aking hinihiling na masampahan ng kauku­lang kasong sibil, kriminal at administratibo ang mga taong responsable sa nang­yari sa aking anak.”

Kaugnay nito ang na­ging desisyon ni Gng. Girlie na hu­mingi ng tulong sa Pub­lic Attorney’s Office hinggil sa kalagayan ni MJ. Bukod sa libreng serbisyo-legal na ipi­nagkakaloob ng aming tang­gapan sa kaso ni MJ, ang ba­tang ito na nana­tiling karin­yoso sa kabila ng kanyang karamdaman ay sumailalim din sa pagsusuri ng PAO Forensic Team.

Sa findings, lumalabas na ang mga nara­ranasan ni MJ ay consistent o pareho sa kani­lang pag­susuri sa ibang mga batang nagkasa­kit at nama­tay ma­tapos ma­turukan ng Deng­vaxia.

Ang kaso ni MJ, sur­vi­vor-Dengvaxia vaccinee ay kasama sa ikaapat na batch ng Dengvaxia cases na nag­karoon na ng pagdinig noong Oktubre 15, 2019 sa Depart­ment of Justice.

Para sa pagpapatuloy ng buhay ni MJ at sa mga ka­tulad niyang may pinag­da­raanan, patuloy din ang ma­igasig na pagtataguyod ng PAO sa kanilang mga kaso. Si Gng. Girlie naman, sa ad­bokasiya na may kaugnayan sa pagkaka­mit ng kataru­ngan para sa kaso ni MJ at iba pang mga biktima inia­alalay ang kan­yang kabaya­nihan sa kasalu­kuyan.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page