top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Todo-deny na magdyowa… Piktyur nina Gretchen at Atong habang natutulog, kumalat

  • Janice DS Navida
  • Oct 24, 2019
  • 2 min read

Kung gaano kagulo ngayon ang away ng mag­kakapatid na Barretto, gulung-gulo na rin sa kanila ang madlang pipol at hindi malaman kung sino ang paniniwalaang nagsasabi nang totoo o naghuhugas-kamay lang.

Kasi nga naman, kung babalikan ang mga nakaraang interview noon ni Marjorie Barretto nu’ng nagsisimula pa lang silang ma-link ni former Caloocan Mayor Recom Echiverri, panay ang pag-iwas at pagdi-deny ng aktres.

Heard din sa kuwentuhan namin ng mga kasama­hang press people kahapon na may binantaan pa ng de­manda noon si ex-Mayor Recom dahil sa mga arti­kulong lumabas linking him to Marjorie, pero ngayon, ayan at mismong ang nanay na ni Julia Barretto ang umaming kabit siya at may anak sila ng dating pulitiko.

Sina Gretchen at Atong Ang naman, todo-press release ring business partners lang sila, ayan tuloy, ang mga na-challenged na netizens, naglabas ng picture ng dalawa habang natutulog sa loob ng eroplano na magkahawak-kamay pa. (Ewan lang kung with matching background music ng kantang Hawak-Kamay ni Yeng Constantino. Nyahaha!)

Natural, dahil very fresh pa ang tell-all interview ni Marjorie, kani-kanyang reaction ang mga taga-showbiz. Habang pinag-uusapan kahapon sa kuwentuhan sa press­con ang sinabi ni Marjorie na: “My children are not for sale,” aba’t isang veteran writer ang nagtaas lang ng kilay?!

May mga narinig din kaming comments na sinisisi ang pamilya Barretto kung bakit hinayaang tumagal nang 5 yrs. ang relasyon nina Nicole at Atong Ang gayung alam naman daw pala nilang ‘happily married’ ang negosyante (as revealed by Gretchen in one of her IG stories), to think na 16 yrs. old lang daw nu’ng mga time na ‘yun ang pa­mangkin ng Barretto sisters, ha?

Tuloy, hindi maiwasang husgahan ng mga kausap namin ang pamilya Barretto na mga kunsintidor, dahil ngayon, lumalabas na hindi lang si Gretchen ang ‘other woman’ sa pamilya kundi pati sina Marjorie at Nicole pala.

Well again, hindi natin masisisi ang mga nakikisaw­saw dahil nga ang magkakapatid din naman mismo ang naglalabas ng baho nila in public.

Pati nga si Ruffa Gutierrez na nag-comment lang sa isang Instagram photo ni Julia Barretto na “Freshhhhhh,” aba’t nakatikim ng ‘warla mode’ ni La Greta dahil ini-repost ni Gretchen ang naturang photo ni Julia na nilagyan niya ng mga words like, “Sawsaw pa more Ruffy!! Take it take it!” na kung matatandaan ay ang dating iskandalo ni Ruffa sa Manila Filmfest.

‘Kalokah talaga si Gretchen! Galit talaga si ate at lahat ng makisawsaw, walang ligtas.

May latest IG story nga din siya laban kay Marjorie bilang sagot niya sa tell-all interview nito at sa naturang post tinawang niyang “Marjorie Itchy-Very” ang kapatid, na kung uunawain, may double meaning na parang sinasabi niyang ‘sobrang kati’ ng kanyang kaalitang sister, ha?!

Hay, paano nga matatapos ang giyerang ito ng mga Barretto kung araw-araw, may bago silang pasabog sa isa’t isa?!

Payo tuloy sa kanila ng mga press people, magpa-presscon at magpa-premiere night na lang para everybody happy! Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page