top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Resbak sa mga pasabog ng utol… Mga piktyur ni Marjorie, pinaglaruan ni Gretchen, ginawang comedy

  • Nitz Miralles
  • Oct 24, 2019
  • 1 min read

Nitz Miralles / Bida

Photo : @gretchenbarretto

Pareho nang naka-set sa “comments on this post have been limited” ang Instagram (IG) account nina Gretchen Barretto at Marjorie Barretto, kaya walang ordinary netizens na makapag-comment sa kani-kanyang posts, lalo na kay Gretchen na rumarampa ngayon sa San Francisco, California.

Ipinost ni Gretchen ang hindi maga­gandang litrato ng kapatid na si Marjorie na kuha sa guesting sa TV Patrol na nilagyan ng iba’t ibang caption.

Sa kuhang nakatingin sa taas si Marjorie, ibinalik ni Gretchen ang tanong ng kapatid kung ‘di ba siya napapagod.

Ang caption ni Gretchen: “Hindi ka ba napapagod, Marjorie? Hahaha.”

Sa kuha naman na nanggigigil si Marjorie at sinabing siya (Gretchen) ang nag-nervous breakdown sa burol at hindi ang nanay ni Julia, ang caption ni Gretchen ay: “Oo ate, oo ate, ikaw na ang kalmado. Ikaw na ang mabuting anak. Ikaw na nga lahat I’m lo­nging for the peace you radiate, Ate Marjorie Baldivia itchy-very good.”

Nakakaintriga ang “itchy” word na isinasama ni Gretchen tuwing nababanggit si Marjorie. Ano kaya ang nasa likod sa bagong dagdag sa pangalan ni Marjorie?

Tanong ng mga netizens, wala bang relatives na puwedeng mamagitan para kahit hindi magkabati, matigil na ang siraan ng Barretto siblings? Nakakalungkot na baka pati sa mga susunod na generation ng mga Barretto, mag-away-away din.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page