Marjorie, after umaming kabit ng ex-Caloocan mayor… Reaksiyon ng legal wife ni Recom, inaabangan na
- Erlinda Rapadas
- Oct 24, 2019
- 1 min read

Dumadagundong sa apat na sulok ng showbiz ang mga pasabog ni Marjorie Barretto na lalong nagpagulo/nagpalala sa away nilang magkakapatid at walang takot na inamin niya na kabit siya ni dating Caloocan Mayor Enrico “Recom” Echiverri at may anak sila, ang bunso ni Marjorie na matagal din niyang itinago sa publiko.
Mag-react kaya ang legal wife ni Echiverri sa pag-aming ito ni Marjorie? Marami ang naghihintay ngayon sa reaksiyon ng tunay na asawa ng dating mayor.
Bale lumalabas din sa mga naging pahayag ni Marjorie na totoong naging karelasyon ni Atong Ang — na na-link din kina Gretchen at Claudine — ang pamangkin niyang si Nicole na ang sabi ng negosyante ay naging staff lang niya.
Lumabas na magkakampi sina Marjorie at Nicole sa laban nila against Gretchen and Claudine.
Marami pang skeletons in the closet ang tiyak na lalabas hangga’t hindi humuhupa ang bangayan ng Barretto sisters. Maging ang kani-kanilang mga kaibigan ay kani-kanya rin ng pahayag, may pro-Gretchen at Claudine at meron namang pro-Marjorie at Nicole.
Pati si Bea Alonzo ay nadamay na rin dahil may gumamit ng fake account gamit ang name ni Bea na sinisiraan si Marjorie at ganoon din si Julia.
Masalimuot ang mga kaganapan sa isyung ito na daig pa ang teleserye.





Comments